Thursday, June 16, 2011

TEAM BALIKATAN POSITIVE YOUTH!

     Maaga kaming pumasok ngayon ng aking bestfriend sapagkat tambak kami ng gawain as coordinators ng TBPY. Dinala ko ang laptop ko ngayon sa school para umaga pa lang ma-type na namin agad yung mga papers na kailangan naming ipasa within this day. When I entered the campus nakita ko si Krsna (yes, without “i” hehe) sobrang napaaga naman ata ang pasok nya today at ito pala ay dahil akala nya 7:30am ang klase namin na actually 9am naman talaga. So, samin muna sya sumama while waiting for our class to start. Kami naman nitong bestfriend ko hindi agad makapag-type kasi wala pa si Ate Reich eh. Nasa kanya kasi yung master list ng members ng BSentrep sa section namin na kasali sa TBPY. Later naman, nakuha na rin namin ang master list at natapos na namin ang pagtatype ng hindi nalolobat ang laptop ko, actually hindi ako nakapagdala ng charger kasi hindi na kasya sa maliit kong heartstrings eh. Hehe First class ngayon, na-meet na namin ang teacher namin sa Enma na si.. i dont’know if its Ms. Cabrera or what. She looks nice naman at too early to teach at the age of 19. 30mins. Lang si prof sa class, orientation lang and some ideas of the said subject. Then, dumating na rin yung prof namin sa College Algebra, si Sir Marquez.  He is so funny at napaka-joker biruin mo naman tinadtad kami ng joke kanina na sobra kong natatawa sa corny. Hehe He seems so nice naman pero Math pa rin ang subject nya kaya medyo hindi pa rin sya ang favorite ko *laughs* Unang klase pa lang nya nag-lecture na agad, review sa high school algebra na honestly hindi ko naman ma-enjoy kasi naman first and for most, hindi ko naman talaga love ang math. Gusto ko lang sya pag gets ko yung lesson hehe (natural!) Magbibigay pa sana tong si prof ng quiz next meeting, Monday. Eh siguro naalala nya walang pasok kaya cancelled na daw ang quiz. Gift na daw nya samin yun kasi birthday daw ni Jose Rizal hehe. (I bet sa Thursday sya magbibigay ng quiz. Nakakainis! Hehe) We were dismissed early for our class ended at 12pm. Hindi rin naman kasi nagpakita yung iba naming profs eh.
ito yung favorite naming fries in cup :)
     After class, we had our lunch. Nga pala we bought some fries for our snack. Eh, hindi naman ina-aallow nung guard na magpasok ng food, nakakatawa kami ni jessa kasi pinuslit namin un sa bag mapasok lang sa campus haha then we proceeded at the SSC office to borrow USB para mapa-print na namin yung papers na kailangan na ibigay kina ate. Ang mura ng pa-print sa labas ng PUP ah.. worth P2 wow! Sobrang tipid ah! :) After we have submitted the papers, we noticed some posters na nakadikit sa wall doon sa new building at nakita namin na ang “The Searcher” which is our School paper club, is looking/hiring some new writers, photojournalists and artists. Well,  Jessa and I are both interested in the said club, so we proceeded  to the office of The searcher to fill up some form for application. Personally, hindi ko alam ang ilalagay ko sa part na “why do we need to choose you?” hmm i just put na “I deserve to be chosen..”  and so much more haha sana makuha ako? Uhm I don’t actually expect na makukuha ko but i’m still hoping and praying. May God give this privilege to be a part of the searcher if its really meant for me. hehe May exam pa nga kami sa Saturday for that. I wonder what type of exam that would be. Pumunta na kami sa SSC office para ipass yung mga papers at kami dahil wala naming klase at tinatamad pa umuwi, tumambay muna kami sa office. Ang saya talaga kausap ng mga Ate’s at Kuya’s namin. Lalo na itong si Kuya Tolitz, kinwento pa yung school nya noong Highschool which is a fishery school. Ang saya daw ng ginagawa nila, nagtetest ng lupa, nag-dedesign ng pond at ang pinaka-natawa kami, “nagpapa-anak ng isda” *LOL* tawa talaga ako dun. Sabi ko naman kay kuya paano naman yun? Sabi nya pinipisa pa daw talaga nila yung isda para lang lumabas ang itlog. Hehe mukhang interesting ah. Sarap nila kausap. Nagpatambay-tambay muna kami ni Jessa sa school at pabalik-balik sa SSC office para mangulit sa mga Ate at Kuya namin. Hehe May isang magandang spot sa building ng PUP doon sa 3rd floor sa may parang bench sa porch dun. Ewan ko kung anong tawag dun. Hehe basta ganda ng view dun. Kitang-kita mo ang Mt. Makiling at ang magandang building ng Lyceum na lagi ko natatanaw, ganda kasi talaga eh. Naisip ko mayayaman lang talaga ang nakakapasok dun at maswerte sila sa privilege na makapag-aral sa private school.  Actually doon ako pinapapasok ng parents ko para mag-engr. Pero ayoko naman, kasi ang saya ko na sa PUP eh, yun naman ang hindi mapapantayan ng kahit anong modernisado at mamahaling bagay dito sa mundo. Mas maswerte pa rin kami kesa sa mga taga-Lyceum kasi sa dina-raming walang kaya na tao na gusto mag-aral, heto’t biniyayaan kami ng panginoon ng kaalaman para maipasa ang entrance exam ng school at makatuntong sa sobrang affordable na university. Mas maswerte pa rin kami dahil mas masasabi ko na nakakatulong kami sa mga magulang namin sa simpleng pagiging isang “iskolar ng bayan” na hindi mo na kailangan ng malaking halaga at pahirapan ang magulang sa panghahagilap ng pang-tuition mo para lamang makamit yung “Quality Education” na sinasabi nila. At least masasabi ko sa sarili ko na secure ang buhay ko sa PUP dahil mura man ang tuition namin, hindi rin naman kami nalalayo sa mga private school na ang na alam natin na “building” lang ang pinagkaiba.
      Isinama nga pala kami ng TBPY sa pagbibigay ng orientation sa mga DCIT students sa fourth floor. Masaya, kasi na-assist namin sila at pinagmamalaki pa kaming “active members” nina kuya Otep sa harap ng mga students. (flattered naman ako! Haha) ang saya talaga sa TBPY. Siguro heto na nga yung good influence na barkada na nahanap ko sa school na toh. Mga totoong tao. Sana talaga dumami pa ang members ng org para malaman nila kung gaano kasaya maging part ng TBPY.

No comments:

Post a Comment