Isang maulan, malamig at tila nakakatamad-bumangon na umaga ang tema ng araw ko ngayon. Napasarap ata ang tulog ko dahil sa sobrang lakas ng ulan kagabi.. Medyo hindi pa nga ako makatulog noong gabing iyon kasi naman ang aga nawalan ng kuryente, kaya maaga rin akong natulog. Pero kahit maaga akong nakatulog, nagising naman ako ng kalagitnaan ng gabi at nawala na ang antok. Buti nalang may kuryente na noon, kung hindi mababaliw ata ako mahiga sa kama ko.
7:45am na noong ginising ako ng nanay ko, nagulat pa nga ako kasi sabi ko sa kanya gisingin nya ako ng mga 6am kasi may pupuntahan pa ako. Makupad kasi ako kumilos eh. Bunga nga ng paggising ko ng 7:45am, hindi na ako nakapag-almusal at dumiretso na agad sa Cibac Hall na meeting place ng Team Balikatan Positive Youth (TBPY), member kasi ako sa organization na ito and at the same time, coordinator ako ng course namin, BS entrepreneurship. Leadership training ito (pero sa tingin ko mas “talk” lang ito eh...) para sa lahat ng myembro ng TBPY. Akala ko nga hindi pa ito matutuloy sa lakas ng ulan, pero tila nakikisama ang panahon dahil noong nag-uumpisa na, biglang umaraw! Supposedly, para sa ilang myembro, bigayan lang ito ng Balikatan tshirt na pinaprint namin kaya ang iba medyo naiinip na kasi hindi nga sila na-inform na leadership training din ito. Buti nalang informed kami, nakakatext kasi namin ang iba’t-ibang officer sa org. eh kaya expected na namin na matatagalan ito. Unang nangyari sa nasabing “leadership training” (na mas maco-consider na talk) ehh ginrupo kami sa pito, sa ikaapat na grupo ako napabilang. Wala naman masyadong ginawa kung hindi nagpakilanlan sa isa’t-isa at syempre ako, pa-goodgirl sa harap nila at pa-friendly syempre (pero tunay naman *LOL*) Nakilala ko naman lahat sila pero sa tingin ko sa mga oras na ito, limot ko na ang mga pangalan nila.. hihi :) but i’m looking forward to see them this coming schooldays naman. Matapos noon, sabi nila ate Rachel (the TBPY president) gumawa daw kami ng yell for our group. Medyo i think hindi prepared ang mga ka-org ko, siguro kasi nagkakahiyaan pa.. at ako naman pa-shy effect pa rin muna, syempre ayoko naman mag-feeling close sa kanila.. saka na pag medyo kilala na nila ang attitude ko para naman hindi na sila magulat sa pagiging wild ko *laughs* well.. okay naman yung yell namin, pwede na rin naman hehe.. after that, konting seminar/talk from different officers of the org. at ako dahil siguro malamig ang panahon, bigla akong naiihi na at hindi na mapakali. Nagkataong out of order pa ung CR sa Cibac Hall. Kaasar yun... hehe pero nagpasama naman ako sa iba kong friends inside the campus para mag-CR din and then, success naman! Haha Naghanda din naman sila ng konting pa-miryenda sa mga freshmen at ito ay ang (tantananan!) “SOPAS NA WALANG SABAW” haha hindi ko maintindihan kung nakulangan ba ito sa tubig or natapon ang sabaw (sabi nina ate natapon daw eh?? Hehe) pero I think na-overcooked nga ang sopas natin pero infairness masarap sya kahit walang sabaw (pero better syempre kung meron). Bitin ako sa sopas pero okay na rin pang-tawid gutom. Haha After noon, binigay na yung I.D. namin, nakabukod yung sa mga coordinators kaya, medyo agaw-eksena kami dun.. Pinagsama-sama kasi kami sa isang side. Binigay na rin ang tshirts pagkatapos. Then, on the go na kami pag-uwi.
![]() |
*Logo ng organization namin sa PUP hihi* |
Nag-minute burger muna kami ng bestfriend kong c Jessa sandali tapos dumeretso sya sa bahay namin para magliwaliw (maaga pa kasi noon) pero noong naalala ko, hindi nga pla makareceive ng messages yung bago kong cellphone na touchscreen simula kaninang umaga. Agad ko yung sinabi sa nanay ko pag-uwi, tapos inaya naman agad ako sa SM calamba kung saan namin nabili yun.. papalitan daw namin eh, mahirap na daw pag hindi na napatingin. Hindi naman kasi ako maka-hindi sa nanay ko kasi terror yun :( nakakahiya kay Jessa pag nag-away pa kami sa harap nya. Ayun at kakarating pa lang namin ni Jessa, uuwi na agad sya. Nagtampo nga ata sakin, hindi ako tinext pag-uwi eh. Noong napatingnan na namin sa binilhan, may napindot lang pala ako sa settings kaya hindi makareceive ng text.. hayyyssss.. na-udlot pa tuloy yun plano namin ng bffs ko na mag-foodtrip or anything.. Napauwi pa tuloy sya ng maaga, ako kasi eh ang hilig mangalikot *laughs* ang sungit tuloy ni best.
Ps.. Sana i-upload ng TBPY ang mga photos sa fan page nila noong leadership training para naman ma-post ko dito :)
No comments:
Post a Comment