"Now I'm standing alone in a crowded room
And we're not speaking
And I'm dyin' to know
Is it killing you
Like it's killing me?
I don't know what to say since a twist of fate, when it all broke down
And the story of us looks a lot like a tragedy now.."
And we're not speaking
And I'm dyin' to know
Is it killing you
Like it's killing me?
I don't know what to say since a twist of fate, when it all broke down
And the story of us looks a lot like a tragedy now.."
What's up with this lyrics?? Wala naman.. maybe that's just exactly how i felt kanina sa school.. I should have written here my previous stories of weekdays. Kaya lang, i don't feel like writing it anymore kasi nawala na lahat ng laughter at joyfulness sa mood ko.. hayss
Hindi ko alam kung kelan ako huling umiyak.. Iyak na nasasaktan talaga ako.. Luha na hindi halos mapigilan.. Gaya ng mga luha ko kanina. Iniisip ko kung uub-ob ba ako, lalabas ng classroom o iiyak nalang ang kalungkutan ng tuluyang gumaan ang pakiramdam. Katabi ko sya, hindi kami nag-iimikan. Tila para akong multo na hindi makita at hindi nya maramdaman. Siguro dahilan yun ng di namin pagkakaunawaan kahapon, pero ano pang silbi ng paghingi ko ng patawad sa kanya. Yun pala, lalayo rin pala sya pag nagkita kami. Mas iintindihin pa ang iba, kukulitin ang iba at sasama sa kanila. Wala kaming imikan. Nakakailang, nakakaiyak.. Kinausap ko sya kanina, nag-sosorry ulit ako. Sabi ko pa, bat hindi nya ako pinapansin? ayaw nya lang daw. Kung galit sya sakin? hindi naman daw. Hindi ko maintindihan, naiiyak na talaga ako kanina, gustong-gusto kong umiyak kaya lang wala akong magawa kundi pigilan kasi nakakahiya. Pilit ko syang kinakausap pero naiinis sya. Pilit akong nakikipag-ayos kaya lang busy sya. Ano ba talagang problema? hindi na ako nakikinig sa discussion, hindi na ako gumawa ng assignment. Walang akong ibang maramdaman kung hindi ang kagustuhang umiyak. bakit sya ganon? nasasaktan ako pero alam ko, ako pa rin ang mali sa huli. Pinipilit ko syang kausapin pero wala syang interes sakin. Ayaw na ba nya sa akin? sana naging ibang tao nalang ako para kulitin at pansinin nya rin ako gaya ng ginagawa nya sa iba. Alam ko man na mahal nya ako ngunit hindi ko maramdaman. Hindi ko alam kung saan ako lulugar sa maliit na classroom na aming ginagalawan. Pakiramdam ko wala akong kakampi. Natapos na ang klase sa Algebra. Tapos hindi pa dadating yung teacher namin sa biosci.. Umuwi na rin ang lahat at kaming dalawa, naiwan doon sa loob.. inaantay ko kung kelan sya kikibo. kung kakausapin nya ba ako para yayaing umuwi? kung magsosorry ba sya sakin? Kung sasabihin ba nyang samahan ko muna sya? pero wala.. Lumabas sya ng room iniwanan nya ako. Hindi pa rin sya umaalis. May inaantay ata? may hinahanap? sino? ako kaya? pero hindi. Lumabas na ako ng room. Akala ko kakausapin na nya ako. Akala ko magiging ok na. pero hindi pa rin. Hindi manlang nya magawang lumingon sakin. Sumasakit ang ulo ko, pilit ko pa ring pinipigilang lumuha sa harap ng maraming tao. Umuwi na ako ng hindi sya kasama. At yun ang unang beses na nagawa kong iwanan sya. Hindi dahil sa pride pero dahil hindi ko na matiis. Ilang saglit pa at iiyak na talaga ako. Napansin nyang umalis na ako, pero hindi manlang nya ako pinigilan. Ganoon na bang kataas ang pride nya para tiisin ako? na tila isang krimen ang nagawa ko sa kanya para tratuhin nya ako ng ganito? Dali-dali akong naglakad ng mabilis na mabilis.. ayokong mapansin ako ng iba na nag-iisa, nalulungkot at naiiyak. Sa daan ko tungo sa sakayan, unti-unti ng pumatak ang mga luha ko ng hindi ko namamalayan.. kahit sa sasakyan, patuloy pa rin ang pagtulo ng mga ito.. Sana hindi nalang ako pumasok ngayong araw :'(
hindi ko mapigilang umiyak habang sinusulat ko ito.. hayyss.. tutulog muna ako.. at iiyak :'(
No comments:
Post a Comment