Pagmulat pa lamang ng mga mata ko, nakaugalian ko na i-check ang phone ko kung mayroon na bang nagtext sakin o wala.. as usual naman lahat ng teenager ganoon ang gawain. Una kong nakita ay ang mensahe ni Jessa ang long-time bestfriend ko na hindi ko naman ineexpect na magtetext kasi magkagalit ata kami?? well.. malinaw naman sa text nya na nakikipag-ayos sya sakin. Inaaya nya ako na samahan sya sa SM San Pablo para mamili ng gamit nya. Mukha namang masaya, eh di sino ba naman ako para magmatigas pa.. wala din namana akong magawa sa bahay namin. At that morning nireplyan ko sya at napagkasunduan na 11am kami magkikita sa kanto ng San pedro. Bago muna yon, nanood muna ako ng cartoons as daily routine. Marathon ng mga favorite kong cartoons sa channel 7. Most especially ang Ghost Fighter na subaybay na subaybay ko. Hehe After ko manood ng cartoons heto’t hindi ko napansin, 10am na pala so agad-agad na akong naligo at nag-prepare sa pag-alis. Then sharp 11am umalis na ako ng bahay and I think mga 11:30am kami nakaalis sa San Pedro. Pinuntahan ko pa si Jessa sa bahay nila non, binati ko pa si tita ng “hello po!” sa bintana nila at sinabihan pa kaming “Galingan nyo ang pamimili” hehe. Nakakatuwa kasi parang normal naman ang lahat, parang walang alitan na nagdaan samin. Nagpa-libre pa nga ako ng softdrinks kay bestfriend bago sumakay ng jeep. Hehe
Noong nasa jeep na kami. Ang sungit naman ng lola nyo, nakatalikod sa akin at hindi ako pinapansin. Para tuloy akong ewan sa likod nya habang pinapanood sya magtext ng magtext. Teary-eyed pa ko na parang batang inapi noon kasi ayaw nya ko kausapin ang drama ko naman! haha. Tila parang inip na inip ako sa byahe na mistulang walang katapusan ang tatahakin naming daan patungong SM San Pablo na hindi rin naman kalayuan. Epekto siguro ng hindi namin pag-iimikan ang pagka-bored ko sa byaheng iyon. Well pagbaba naman sa jeep, we’re ok sa alright na naman. Inakay ko pa sya na parang batang natatakot tumawid sa highway.
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEg6Y2su8-wyzr5c8U1Dt7eKaJlvTzoTr_a8Mb0EpGEiwnq45bIJDPA-x2uk8bQDWTIzpmkbBfk9XBWl6rDgpNKjt_PYjfxhueDxCWer1x0ITLrFQJCv-cg-XfYU4ujB8DUv_lQDMOX9LyY6/s320/2%25282%2529.jpg) |
SM! my favorite place. |
Pagpasok namin ng SM San Pablo sa Department store muna kami nagtungo para maghanap ng binder. At ang pihikan kong bestfriend hindi ata tatantanan ang buong SM hangga’t hindi nakakahanap ng binder ni tweety na parehas naming favorite. Nagpa-iikot-ikot pa kami sa Department store para lang makahanap ng tweety. Umabot din kami sa National Bookstore pero wala pa rin. Inuna nalang nya bilhin ang calculator na hindi rin pinadali ang paghahanap sa casio na gusto nya. Feeling ko nga nahihilo na ako kakaikot noon eh. Wala kaming mahanap na binder ng mga oras na iyon kaya sabi nya bag pack nalang daw muna. Eh mas matindi pa pala ang aabutin namin sa bag na iyon aynako! Nagwawala na ang wild kong bestfriend dahil wala syang makitang bagpack na maganda! At ako naman na suggest ng suggest sa kanya ng mga bag, naeetspwera nalang. Kawawa nalang ako lagi ano?? Paikot-ikot na naman kami sa buong SM na halos masaulo ko na ang bawat tinda sa bawat stall doon. Nakakapagod talaga! Pero Masaya naman. Natatawa nalang kami parehas sa mga nangyayari sa amin *LOL* ayun nga walang bagpack na nakakaakit sa kanya kaya suggest ko na mag-body bag nalang at kung sakali madami naman roon na maganda. Finally, nakinig naman sya sa suggestion ko! Yehey! Hehe. Sa Bench rin kami nakahanap at Masaya naman ata sya sa napili nyang bag. Grabe ha? Ang dami naming pinagdaan sa bag na iyon. Bumili na rin sya ng binder kahit hindi tweety. Cute naman ang napili nya, kaya okay na okay pa rin naman. Bumili rin sya ng mga ballpen at alam ko ang iniisip mo na natagalan rin sya sa pagpili. Hayyssss! Pero Masaya kahit nakakapagod.
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEi30LyKMTA1V-HlRX_gyruuFVjfFBVwLOh1UTeQ0YK1MNyaRH14A73qeTKeqDkbKctSbskro9sIb6oy2mh9whIuweMKVBvHTK-mIbUNYxVFhutS8U2A2hW4r4pfv8H5pVSl1ed9fU9lQ0QV/s320/Image054.jpg) |
Larawan ng katakawan.. *laughs* |
Grabe ang adventure na yun nakakagutom talaga! Kaya’t hindi kami nagpaawat. Kumain kami sa KFC na may tigisang extra rice pa. Bago naman umuwi, sa Mcdonald's naman. (ang favorite namin, lalo na ang Mcfloat at fries. yumm!) Takaw noh? Medyo nasaid ata ang dala kong pera sa pagkain eh. Hehe pero sulit pa rin kasi sobrang nabusog naman kami at masaya akong kasama ang bestfriend ko. Kahit ata kami nalang ang magkasama sa buhay masaya pa rin eh.. Kami lang kasi ang nagkakaintindihan dito sa mundo :)
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEg0xq_IKFtJc2tHs0MB-LXGNeQDEspGR-uV2OTyfvVnHJPrHBlI4sMOwTL2WYDA8UcQCwJhUHn_gAPOqNRJWn5rCEZby33eMn0c8W7JBEBf4boPyFIdySM3Xc_ki7ivy9jkGQuH-SV3_8kD/s320/mcdo-float-fries-and-nuggets.jpg) |
Ilang shots lang sa kain naming TO THE MAX! |
No comments:
Post a Comment