Thursday, June 30, 2011

UNTITLED

          Akala ko masaya na ako. Akala ko  sapat na ang lahat dahil kasama ko na sya. Akala ko magiging maayos na ang takbo ng buhay ko. Pero bakit parang hindi naman. Hindi pa rin ako nagiging ok dahil sa mga nangyari kanina. Sa tuwing naalala ko yun, naluluha pa rin ako. Kahit sa paggising ko galing sa pagkakaidlip. Naiiyak pa din ako. Sya ang hinahanap ko :'( Manhid ba sya? Hindi ko matukoy kung sino ang mali sa amin. Ngunit sa nararamdaman ko, alam kong nasasaktan ako. Oo, apektado rin sya ngunit alam kong galit at inis lang ang alam kong nararamdaman nya. Bakit sya ganoon? Hindi ko alam kung ano pang mangyayari sa bukas ko :'( Mas gugustuhin ko pang mapag-isa kaysa naman sumama sa iba pero sya naman ang hinahanap ko. Kung iisipin ko, mali na iniwan ko sya kanina. Pero masisisi ba nya ako kung nasasaktan na ako masyado sa pagba-balewala nya sa akin? :'( Hindi ko naman sya gustong iwan. Kinailangan ko lang talaga na iwan sya dahil isang saglit pa.. Bubuhos na ng luha ko. Iniwan ko sya ng walang kasama. Nakokonsensya ako oo pero pinaramdam naman nya sa akin na ako'y nag-iisa. Ilang beses ko ba syang kinausap at binalak makipag-ayos? Pinilit ko naman ng paulit-ulit ngunit kahit isang sagot sa mga yon, wala naman syang magandang sinabi. Puro salita lang na "wala akong pakialam" ang kahulugan. Sa ngayon nag-iisa ako at ayoko makisalamuha sa iba dahil hindi naman nila mapapawi ang sakit na nararamdaman ko. Mabuti pang mag-isa. Wala akong pakialam sa kanila :'(

Wednesday, June 29, 2011

"but you held your pride like you should have held me..! :'(

"Now I'm standing alone in a crowded room
And we're not speaking
And I'm dyin' to know
Is it killing you
Like it's killing me?
I don't know what to say since a twist of fate, when it all broke down
And the story of us looks a lot like a tragedy now.."
 

       What's up with this lyrics?? Wala naman.. maybe that's just exactly how i felt kanina sa school.. I should have written here my previous stories of weekdays. Kaya lang, i don't feel like writing it anymore kasi nawala na lahat ng laughter at joyfulness sa mood ko.. hayss 

       Hindi ko alam kung kelan ako huling umiyak.. Iyak na nasasaktan talaga ako.. Luha na hindi halos mapigilan.. Gaya ng mga luha ko kanina. Iniisip ko kung uub-ob ba ako, lalabas ng classroom o iiyak nalang ang kalungkutan ng tuluyang gumaan ang pakiramdam. Katabi ko sya, hindi kami nag-iimikan. Tila para akong multo na hindi makita at hindi nya maramdaman. Siguro dahilan yun ng di namin pagkakaunawaan kahapon, pero ano pang silbi ng paghingi ko ng patawad sa kanya. Yun pala, lalayo rin pala sya pag nagkita kami. Mas iintindihin pa ang iba, kukulitin ang iba at sasama sa kanila. Wala kaming imikan. Nakakailang, nakakaiyak.. Kinausap ko sya kanina, nag-sosorry ulit ako. Sabi ko pa, bat hindi nya ako pinapansin? ayaw nya lang daw. Kung galit sya sakin? hindi naman daw. Hindi ko maintindihan, naiiyak na talaga ako kanina, gustong-gusto kong umiyak kaya lang wala akong magawa kundi pigilan kasi nakakahiya. Pilit ko syang kinakausap pero naiinis sya. Pilit akong nakikipag-ayos kaya lang busy sya. Ano ba talagang problema? hindi na ako nakikinig sa discussion, hindi na ako gumawa ng assignment. Walang akong ibang maramdaman kung hindi ang kagustuhang umiyak. bakit sya ganon? nasasaktan ako pero alam ko, ako pa rin ang mali sa huli. Pinipilit ko syang kausapin pero wala syang interes sakin. Ayaw na ba nya sa akin? sana naging ibang tao nalang ako para kulitin at pansinin nya rin ako gaya ng ginagawa nya sa iba. Alam ko man na mahal nya ako ngunit hindi ko maramdaman. Hindi ko alam kung saan ako lulugar sa maliit na classroom na aming ginagalawan. Pakiramdam ko wala akong kakampi. Natapos na ang klase sa Algebra. Tapos hindi pa dadating yung teacher namin sa biosci.. Umuwi na rin ang lahat at kaming dalawa, naiwan doon sa loob.. inaantay ko kung kelan sya kikibo. kung kakausapin nya ba ako para yayaing umuwi? kung magsosorry ba sya sakin? Kung sasabihin ba nyang samahan ko muna sya? pero wala.. Lumabas sya ng room iniwanan nya ako. Hindi pa rin sya umaalis. May inaantay ata? may hinahanap? sino? ako kaya? pero hindi. Lumabas na ako ng room. Akala ko kakausapin na nya ako. Akala ko magiging ok na. pero hindi pa rin. Hindi manlang nya magawang lumingon sakin. Sumasakit ang ulo ko, pilit ko pa ring pinipigilang lumuha sa harap ng maraming tao. Umuwi na ako ng hindi sya kasama. At yun ang unang beses na nagawa kong iwanan sya. Hindi dahil sa pride pero dahil hindi ko na matiis. Ilang saglit pa at iiyak na talaga ako. Napansin nyang umalis na ako, pero hindi manlang nya ako pinigilan. Ganoon na bang kataas ang pride nya para tiisin ako? na tila isang krimen ang nagawa ko sa kanya para tratuhin nya ako ng ganito? Dali-dali akong naglakad ng mabilis na mabilis.. ayokong mapansin ako ng iba na nag-iisa, nalulungkot at naiiyak. Sa daan ko tungo sa sakayan, unti-unti ng pumatak ang mga luha ko ng hindi ko namamalayan.. kahit sa sasakyan, patuloy pa rin ang pagtulo ng mga ito.. Sana hindi nalang ako pumasok ngayong araw :'(

   hindi ko mapigilang umiyak habang sinusulat ko ito.. hayyss.. tutulog muna ako.. at iiyak :'(

Friday, June 24, 2011

"FAN PAGE"

    So what happened to me during this week?? hindi ako masyado nakakapag-post eh but its a must for me to update everything that's currently happening in my life (except for confidential things) for this is my diary (sort of) or a journal maybe. uhmm.. Monday, we didn't have a class for Gat. Jose Rizal's 150th birthday was being celebrated. Therefore, it was a holiday! :) and it was a big "YEHEY!" to us. *laughs* 
     When we already got back to school, we are assigned so many reports for our mana subject! ano ba yan, 1st meeting pa lang may task na agad na iniwanan. And the worst part was, We are the first group to report our assigned topics! saklap! wala pa ako sa wisyo para sa ganito. Until now, nasa adjustment period pa rin ang utak ko! haha well.. pumili naman ako ng madaling topic ko kaya ayos lang siguro sakin yun. Si jessa nga pala ang leader, nagpresinta ehh.. yaan na natin, magaling naman yun. haha. Oo nga pala, it was wednesday when Jessa and I went to the canteen when 3 of my former classmates, an IT students approach me and said "TBPY is not an accredited group. They are not recognized by the school" so na-shock naman ako sa sinabi nung friend ko! how come TBPY was not recognized by the school for they are the biggest and kindest (for me) org in our school?? I wonder where that rumor came from. But I know and I feel that those things ain't true. Born again org pa daw sila dagdag ng mga former classmates ko na hindi ko talaga alam. Kaya sabi ko, kaya pala kung ano-anong worship songs ang tinutugtog nila. In this case, I definitely believe its true but then, I don't mind it. Eh hindi naman ako nasama sa mga religious works nila tama? hehe Noong nagpasa kami ng shirts sa SSC office agad kaming in-approach ni ate chel sa rumor na kumakalat.. may mga DOMT students rin kasi na nagsumbong sa kanila ehh. Yun nga, they explained and clarified na legal ang TBPY at walang-walang problema sa legality ng org. Dahil pinakita pa nina ate yung mga signatories sa mga papers sa org na nagpapatunay na approved sila. Madami pang in-explain si ate, ang TBPY daw kasi ang parang "Isang puno ng mangga, na kapang mayabong at maraming bunga, pinapaltok ng mga inggitera." (not exactly the words said by ate chel, ni-revise ko lang haha)
    Bakit nga pala "fan page" ang title ng post ko?? kasi po gumawa ako ng fan page! at ito ang pinagkakaabalahan ko the whole week para lang mapadami ang likes *LOL* here it is, Mas nakakatawa pa ang mukha mo kaysa sa joke mo XD Will you kindly like it too? hehe hirap magpadami ng likes kasi wala naman kaming ibang admin na my iba pang handle na ibang page. Ako lang rin kadalasan ang nagpapa-plug at ok rin naman kasi within 1week, we made it to 1k+ likes! hooray! haha And its good for me whose only a beginner one dba? hehe
    Okay its friday, heavy rains are still falling! cancelled ang klase! yeaboi! :)) but then i have a lot of things to do, be ready for my report, prepare.. prepare.. prepare.. prepare..Then review for our looonnnnggggg quiz in enma subject! long talaga, kasi ang dami ng aaralin ehh.. review.. review..review.. wish me luck aryt?? :D 


    That's it for now, CIAOOO :)))

Thursday, June 16, 2011

TEAM BALIKATAN POSITIVE YOUTH!

     Maaga kaming pumasok ngayon ng aking bestfriend sapagkat tambak kami ng gawain as coordinators ng TBPY. Dinala ko ang laptop ko ngayon sa school para umaga pa lang ma-type na namin agad yung mga papers na kailangan naming ipasa within this day. When I entered the campus nakita ko si Krsna (yes, without “i” hehe) sobrang napaaga naman ata ang pasok nya today at ito pala ay dahil akala nya 7:30am ang klase namin na actually 9am naman talaga. So, samin muna sya sumama while waiting for our class to start. Kami naman nitong bestfriend ko hindi agad makapag-type kasi wala pa si Ate Reich eh. Nasa kanya kasi yung master list ng members ng BSentrep sa section namin na kasali sa TBPY. Later naman, nakuha na rin namin ang master list at natapos na namin ang pagtatype ng hindi nalolobat ang laptop ko, actually hindi ako nakapagdala ng charger kasi hindi na kasya sa maliit kong heartstrings eh. Hehe First class ngayon, na-meet na namin ang teacher namin sa Enma na si.. i dont’know if its Ms. Cabrera or what. She looks nice naman at too early to teach at the age of 19. 30mins. Lang si prof sa class, orientation lang and some ideas of the said subject. Then, dumating na rin yung prof namin sa College Algebra, si Sir Marquez.  He is so funny at napaka-joker biruin mo naman tinadtad kami ng joke kanina na sobra kong natatawa sa corny. Hehe He seems so nice naman pero Math pa rin ang subject nya kaya medyo hindi pa rin sya ang favorite ko *laughs* Unang klase pa lang nya nag-lecture na agad, review sa high school algebra na honestly hindi ko naman ma-enjoy kasi naman first and for most, hindi ko naman talaga love ang math. Gusto ko lang sya pag gets ko yung lesson hehe (natural!) Magbibigay pa sana tong si prof ng quiz next meeting, Monday. Eh siguro naalala nya walang pasok kaya cancelled na daw ang quiz. Gift na daw nya samin yun kasi birthday daw ni Jose Rizal hehe. (I bet sa Thursday sya magbibigay ng quiz. Nakakainis! Hehe) We were dismissed early for our class ended at 12pm. Hindi rin naman kasi nagpakita yung iba naming profs eh.
ito yung favorite naming fries in cup :)
     After class, we had our lunch. Nga pala we bought some fries for our snack. Eh, hindi naman ina-aallow nung guard na magpasok ng food, nakakatawa kami ni jessa kasi pinuslit namin un sa bag mapasok lang sa campus haha then we proceeded at the SSC office to borrow USB para mapa-print na namin yung papers na kailangan na ibigay kina ate. Ang mura ng pa-print sa labas ng PUP ah.. worth P2 wow! Sobrang tipid ah! :) After we have submitted the papers, we noticed some posters na nakadikit sa wall doon sa new building at nakita namin na ang “The Searcher” which is our School paper club, is looking/hiring some new writers, photojournalists and artists. Well,  Jessa and I are both interested in the said club, so we proceeded  to the office of The searcher to fill up some form for application. Personally, hindi ko alam ang ilalagay ko sa part na “why do we need to choose you?” hmm i just put na “I deserve to be chosen..”  and so much more haha sana makuha ako? Uhm I don’t actually expect na makukuha ko but i’m still hoping and praying. May God give this privilege to be a part of the searcher if its really meant for me. hehe May exam pa nga kami sa Saturday for that. I wonder what type of exam that would be. Pumunta na kami sa SSC office para ipass yung mga papers at kami dahil wala naming klase at tinatamad pa umuwi, tumambay muna kami sa office. Ang saya talaga kausap ng mga Ate’s at Kuya’s namin. Lalo na itong si Kuya Tolitz, kinwento pa yung school nya noong Highschool which is a fishery school. Ang saya daw ng ginagawa nila, nagtetest ng lupa, nag-dedesign ng pond at ang pinaka-natawa kami, “nagpapa-anak ng isda” *LOL* tawa talaga ako dun. Sabi ko naman kay kuya paano naman yun? Sabi nya pinipisa pa daw talaga nila yung isda para lang lumabas ang itlog. Hehe mukhang interesting ah. Sarap nila kausap. Nagpatambay-tambay muna kami ni Jessa sa school at pabalik-balik sa SSC office para mangulit sa mga Ate at Kuya namin. Hehe May isang magandang spot sa building ng PUP doon sa 3rd floor sa may parang bench sa porch dun. Ewan ko kung anong tawag dun. Hehe basta ganda ng view dun. Kitang-kita mo ang Mt. Makiling at ang magandang building ng Lyceum na lagi ko natatanaw, ganda kasi talaga eh. Naisip ko mayayaman lang talaga ang nakakapasok dun at maswerte sila sa privilege na makapag-aral sa private school.  Actually doon ako pinapapasok ng parents ko para mag-engr. Pero ayoko naman, kasi ang saya ko na sa PUP eh, yun naman ang hindi mapapantayan ng kahit anong modernisado at mamahaling bagay dito sa mundo. Mas maswerte pa rin kami kesa sa mga taga-Lyceum kasi sa dina-raming walang kaya na tao na gusto mag-aral, heto’t biniyayaan kami ng panginoon ng kaalaman para maipasa ang entrance exam ng school at makatuntong sa sobrang affordable na university. Mas maswerte pa rin kami dahil mas masasabi ko na nakakatulong kami sa mga magulang namin sa simpleng pagiging isang “iskolar ng bayan” na hindi mo na kailangan ng malaking halaga at pahirapan ang magulang sa panghahagilap ng pang-tuition mo para lamang makamit yung “Quality Education” na sinasabi nila. At least masasabi ko sa sarili ko na secure ang buhay ko sa PUP dahil mura man ang tuition namin, hindi rin naman kami nalalayo sa mga private school na ang na alam natin na “building” lang ang pinagkaiba.
      Isinama nga pala kami ng TBPY sa pagbibigay ng orientation sa mga DCIT students sa fourth floor. Masaya, kasi na-assist namin sila at pinagmamalaki pa kaming “active members” nina kuya Otep sa harap ng mga students. (flattered naman ako! Haha) ang saya talaga sa TBPY. Siguro heto na nga yung good influence na barkada na nahanap ko sa school na toh. Mga totoong tao. Sana talaga dumami pa ang members ng org para malaman nila kung gaano kasaya maging part ng TBPY.

Monday, June 13, 2011

FIRST DAY OF SCHOOL!! HAVEEEYYYY :)))))))))))

     Okay! its the first day of school and i'm very much excited too see what's gonna happen in this hugely-awaited day of my college life! arrr..The first Day! :D Gumising ako ng maaga syempre para hindi ma-late sa unang klase ko sa unang araw ko bilang isang freshman ng Polytechnic University of the Philippines! :) (Isa lang naman sa mga tinitingalang unibersidad dito sa Pilipinas! Marami ang nagna-nais pumasok sa paaralan na ito but sadly, hindi sila pumasa sa PUPCET! :P I'm not in the state of somewhat called bragging but its One of the cheapest schools yet one of the best schools here in the Philippines :) so mura talaga at achieve na achieve mag-college pero QUALITY EDUCATION pa rin *giggles*) You know I'm just proud to be a PUPian because others belittle our school but in reality we're one of the bests naman talaga... well... so much of that haha.. 
       As I was saying, my first day was boring yet fun naman in different silly things happened during this professor-less day na ito, yes you read it right! the wholeday we have waited for nothing! ahaha walang prof na nagpakita sa ambiance ng PUP, BSentrep was idle the wholeday! sabi kasi ng mga ka-team namin sa TBPY, wala pa daw schedule ang mga professors kaya ganun tsaka adjustment period pa lang naman ang month na ito so its so clear na orientation lang ang magaganap sa first day punk na ito.. Well.. What happened in the morning was meeting among TBPY officers at the Octagon building in PUP campus... They have just assigned some tasks that we should have accomplished within this day (some are this week). Nakilala ko ang ilang classmate ko sa BSentrep 1-1, they are Tracy and the other one is Kacey.. Actually there are four coordinators of BSentrep, My bestfriend Jessa and I belonged to these coordinators, and the two others I have mentioned. We have also met some friends such as our co-Entrep officer Katrina.. Mababait naman sila I guess. Approachable naman and friendly. Naalala ko rin pala si Ethan, yung BSEE na englishero na officer din pla. Sabi ko nga kay Jessa, bakit hindi sya sa Ateneo pumasok para normal ang english conversation sa ordinary conversation diba?? hehe just nothing. After that pumunta na kami sa NB 305 kung saan dapat mag-uumpisa ang klase namin at sabi ko nga walang prof. We just all waited for nothing :| nag-orient nalang ang TBPY sa mga classmates ko at inintroduce kami sa kanila, well this helped a lot kasi alam ng mga classmate ko kung san sila magtatanong kung may mga clarification sila about our team (I really felt like "I rule them. I'm a leader" haha) Then we distributed their TBPY IDs. Tapos noon, the president of BSentrep, Kuya Arni came over to orient us about our course and some orgs BSentrep is active to.. Pinagpakilala nya kami isa-isa with what school are we came from and our residency. Aba itong si Arni, nang-ookray ba kamo (i don't know if his bisexual or gay na talaga) Ang sabi ba naman sa katabi namin kung kakalabas lang daw ng Biggest Loser! Gosh! so humiliating! (actually she is really chuby pero hindi hamak na mas mataba sya sa akin noh! *ROFL*) Well, I felt sorry for her hehe but its just a joke naman. Nothing personal We PUPians are just friendly-entertainers haha Ang tagal na namin nakaupo ah! syempre nakakangalay at nakakagutom! so lumabas muna kami to eat some snacks, kinain na rin namin yung pancit na pa-merienda ng team balikatan hehe sayang naman kung itatapon diba?? haha 
       1-N na ang naka-assign gumamit ng room NB-305 and we 1-1 didn't know where was that STTBA na yan para sa next subject naming General Psychology (so worried pero wala namang prof *laughs*) Sabi pa ni Herson sa tabi daw ng cashier doon sa first floor, then, us, the gullible leaders went down stairs at wala namang nakita na STTBA na room.. Ang nakakatawa pa, ang katabi naman ng Cashier ay CR! so tinitrip lang ata kami ni Herson kanina! hahana ang STTBA pala ay Sto. Tomas To Be Announced! so wala pang official na classroom at prof pa ang magsasabi! sobrang *ROFL* ang inabot ko dun ah.. hehe sa gym nalang nag-stay ang mga BSentreps to wait pa rin sa mga prof pero actually hindi na naman dadating. Some just went home at kami tumambay nalang sa SSC office hanggang sa mag-meeting na ang mga officers.. The meeting were just about the tasks they have assigned us na definitely dapat tapos na during that time. Nakakahiya nga kasi hindi pa kami tapos sa mga tasks kasi paalis-alis naman ang mga classmate ko kaya hindi makapag-announce ng mga gagawin kaya we just requested na bukas nalang namin tatapusin. After the meeting we had some picture takings and then home sweet home na.. Nakakapagod rin tong day na toh ah.. feeling ko nga ngayon ang sakit ng mga legs ko eh hehe well that was my first day of school.. I'm looking forward for more exciting adventures :)


       Sana makapag-post ako ng ilang mga pictures later, not now because I'm so tired and really feeling so sleepy.. tireeddd.....

Thursday, June 9, 2011

"Sopas na walang sabaw!"

      Isang maulan, malamig at tila nakakatamad-bumangon na umaga ang tema ng araw ko ngayon. Napasarap ata ang tulog ko dahil sa sobrang lakas ng ulan kagabi.. Medyo hindi pa nga ako makatulog noong gabing iyon kasi naman ang aga nawalan ng kuryente, kaya maaga rin akong natulog. Pero kahit maaga akong nakatulog, nagising naman ako ng kalagitnaan ng gabi at nawala na ang antok. Buti nalang may kuryente na noon, kung hindi mababaliw ata ako mahiga sa kama ko.
      7:45am na noong ginising ako ng nanay ko, nagulat pa nga ako kasi sabi ko sa kanya gisingin nya ako ng mga 6am kasi may pupuntahan pa ako. Makupad kasi ako kumilos eh. Bunga nga ng paggising ko ng 7:45am, hindi na ako nakapag-almusal at dumiretso na agad sa Cibac Hall na meeting place ng Team Balikatan Positive Youth (TBPY), member kasi ako sa organization na ito and at the same time, coordinator ako ng course namin, BS entrepreneurship. Leadership training ito (pero sa tingin ko mas “talk” lang ito eh...) para sa lahat ng myembro ng TBPY.  Akala ko nga hindi pa ito matutuloy sa lakas ng ulan, pero tila nakikisama ang panahon dahil noong nag-uumpisa na, biglang umaraw! Supposedly, para sa ilang myembro, bigayan lang ito ng Balikatan tshirt na pinaprint namin kaya ang iba medyo naiinip na kasi hindi nga sila na-inform na leadership training din ito. Buti nalang informed kami, nakakatext kasi namin ang iba’t-ibang officer sa org. eh kaya expected na namin na matatagalan ito. Unang nangyari sa nasabing “leadership training” (na mas maco-consider na talk) ehh ginrupo kami sa pito, sa ikaapat na grupo ako napabilang. Wala naman masyadong ginawa kung hindi nagpakilanlan sa isa’t-isa at syempre ako, pa-goodgirl sa harap nila at pa-friendly syempre (pero tunay naman *LOL*) Nakilala ko naman lahat sila pero sa tingin ko sa mga oras na ito, limot ko na ang mga pangalan nila.. hihi :) but i’m looking forward to see them this coming schooldays naman. Matapos noon, sabi nila ate Rachel (the TBPY president) gumawa daw kami ng yell for our group. Medyo i think hindi prepared ang mga ka-org ko, siguro kasi  nagkakahiyaan pa.. at ako naman pa-shy effect pa rin muna, syempre ayoko naman mag-feeling close sa kanila.. saka na pag medyo kilala na nila ang attitude ko para naman hindi na sila magulat sa pagiging wild ko *laughs* well.. okay naman yung yell namin, pwede na rin naman hehe.. after that, konting seminar/talk from different officers of the org. at ako dahil siguro malamig ang panahon, bigla akong naiihi na at hindi na mapakali. Nagkataong out of order pa ung CR sa Cibac Hall. Kaasar yun... hehe pero nagpasama naman ako sa iba kong friends inside the campus para mag-CR din and then, success naman! Haha Naghanda din naman sila ng konting pa-miryenda sa mga freshmen at ito ay ang (tantananan!) “SOPAS NA WALANG SABAW” haha hindi ko maintindihan kung nakulangan ba ito sa tubig or natapon ang sabaw (sabi nina ate natapon daw eh?? Hehe) pero I think na-overcooked nga ang sopas natin pero infairness masarap sya kahit walang sabaw (pero better syempre kung meron). Bitin ako sa sopas pero okay na rin pang-tawid gutom. Haha After noon, binigay na yung I.D. namin, nakabukod yung sa mga coordinators kaya, medyo agaw-eksena kami dun.. Pinagsama-sama kasi kami sa isang side. Binigay na rin ang tshirts pagkatapos. Then, on the go na kami pag-uwi.
*Logo ng organization namin sa PUP hihi*
Nag-minute burger muna kami ng bestfriend kong c Jessa sandali tapos dumeretso sya sa bahay namin para magliwaliw (maaga pa kasi noon) pero noong naalala ko, hindi nga pla makareceive ng messages yung bago kong cellphone na touchscreen simula kaninang umaga. Agad ko yung sinabi sa nanay ko pag-uwi, tapos inaya naman agad ako sa SM calamba kung saan namin nabili yun.. papalitan daw namin eh, mahirap na daw pag hindi na napatingin. Hindi naman kasi ako maka-hindi sa nanay ko kasi terror yun :( nakakahiya kay Jessa pag nag-away pa kami sa harap nya. Ayun at kakarating pa lang namin ni Jessa, uuwi na agad sya. Nagtampo nga ata sakin, hindi ako tinext pag-uwi eh. Noong napatingnan na namin sa binilhan, may napindot lang pala ako sa settings kaya hindi makareceive ng text.. hayyyssss.. na-udlot pa tuloy yun plano namin ng bffs ko na mag-foodtrip or anything.. Napauwi pa tuloy sya ng maaga, ako kasi eh ang hilig mangalikot *laughs* ang sungit tuloy ni best.

Ps..  Sana i-upload ng TBPY ang mga photos sa fan page nila noong leadership training para naman ma-post ko dito :)

Monday, June 6, 2011

Shop 'til you drop!

          Pagmulat pa lamang ng mga mata ko, nakaugalian ko na i-check ang phone ko kung mayroon na bang nagtext sakin o wala.. as usual naman lahat ng teenager ganoon ang gawain. Una kong nakita ay ang mensahe ni Jessa ang long-time bestfriend ko na hindi ko naman ineexpect na magtetext kasi magkagalit ata kami?? well.. malinaw naman sa text nya na nakikipag-ayos sya sakin. Inaaya nya ako na samahan sya sa SM San Pablo para mamili ng gamit nya. Mukha namang masaya, eh di sino ba naman ako para magmatigas pa.. wala din namana akong magawa sa bahay namin. At that morning nireplyan ko sya at napagkasunduan na 11am kami magkikita sa kanto ng San pedro. Bago muna yon, nanood muna ako ng cartoons as daily routine. Marathon ng mga favorite kong cartoons sa channel 7. Most especially ang Ghost Fighter na subaybay na subaybay ko. Hehe After ko manood ng cartoons heto’t hindi ko napansin, 10am na pala so agad-agad na akong naligo at nag-prepare sa pag-alis. Then sharp 11am umalis na ako ng bahay and I think mga 11:30am kami nakaalis sa San Pedro. Pinuntahan ko pa si Jessa sa bahay nila non, binati ko pa si tita ng “hello po!” sa bintana nila at sinabihan pa kaming “Galingan nyo ang pamimili” hehe. Nakakatuwa kasi parang normal naman ang lahat, parang walang alitan na nagdaan samin. Nagpa-libre pa nga ako ng softdrinks kay bestfriend bago sumakay ng jeep. Hehe
Noong nasa jeep na kami. Ang sungit naman ng lola nyo, nakatalikod sa akin at hindi ako pinapansin. Para tuloy akong ewan sa likod nya habang pinapanood sya magtext ng magtext. Teary-eyed pa ko na parang batang inapi noon kasi ayaw nya ko kausapin ang drama ko naman! haha. Tila parang inip na inip ako sa byahe na mistulang walang katapusan ang tatahakin naming daan patungong SM San Pablo na hindi rin naman kalayuan. Epekto siguro ng hindi namin pag-iimikan ang pagka-bored ko sa byaheng iyon. Well pagbaba naman sa jeep, we’re ok sa alright na naman. Inakay ko pa sya na parang batang natatakot tumawid sa highway.

SM! my favorite place.
Pagpasok namin ng SM San Pablo sa Department store muna kami nagtungo para maghanap ng binder. At ang pihikan kong bestfriend hindi ata tatantanan ang buong SM hangga’t hindi nakakahanap ng binder ni tweety na parehas naming favorite. Nagpa-iikot-ikot pa kami sa Department store para lang makahanap ng tweety. Umabot din kami sa National Bookstore pero wala pa rin. Inuna nalang nya bilhin ang calculator na hindi rin pinadali ang paghahanap sa casio na gusto nya. Feeling ko nga nahihilo na ako kakaikot noon eh. Wala kaming mahanap na binder ng mga oras na iyon kaya sabi nya bag pack nalang daw muna. Eh mas matindi pa pala ang aabutin namin sa bag na iyon aynako! Nagwawala na ang wild kong bestfriend dahil wala syang makitang bagpack na maganda! At ako naman na suggest ng suggest sa kanya ng mga bag, naeetspwera nalang. Kawawa nalang ako lagi ano?? Paikot-ikot na naman kami sa buong SM na halos masaulo ko na ang bawat tinda sa bawat stall doon. Nakakapagod talaga! Pero Masaya naman. Natatawa nalang kami parehas sa mga nangyayari sa amin *LOL* ayun nga walang bagpack na nakakaakit sa kanya kaya suggest ko na mag-body bag nalang at kung sakali madami naman roon na maganda. Finally, nakinig naman sya sa suggestion ko! Yehey! Hehe. Sa Bench rin kami nakahanap at Masaya naman ata sya sa napili nyang bag. Grabe ha? Ang dami naming pinagdaan sa bag na iyon. Bumili na rin sya ng binder kahit hindi tweety. Cute naman ang napili nya, kaya okay na okay pa rin naman. Bumili rin sya ng mga ballpen at alam ko ang iniisip mo na natagalan rin sya sa pagpili. Hayyssss! Pero Masaya kahit nakakapagod.  

Larawan ng katakawan.. *laughs*
Grabe ang adventure na yun nakakagutom talaga! Kaya’t hindi kami nagpaawat. Kumain kami sa KFC na may tigisang extra rice pa. Bago naman umuwi, sa Mcdonald's naman. (ang favorite namin, lalo na ang Mcfloat at fries. yumm!Takaw noh? Medyo nasaid ata ang dala kong pera sa pagkain eh. Hehe pero sulit pa rin kasi sobrang nabusog naman kami at masaya akong kasama ang bestfriend ko. Kahit ata kami nalang ang magkasama sa buhay masaya pa rin eh.. Kami lang kasi ang nagkakaintindihan dito sa mundo :)
Ilang shots lang sa kain naming TO THE MAX!