Friday, July 1, 2011

TGIF!

     1st day of July ngayon, sabi nila kung ano daw ang mood mo sa simula ng buwan, yun na rin daw ang magiging mood mo for the rest of the month. So you mean, magiging great pretender at sad ako for the whole month? Kawawa naman ako kung ganoon. Miss na miss ko na sya pero ayokong malaman nya, sobrang lungkot ko dahil hindi sya ang nasa tabi ko tumawa at magsaya. Ang bawat ngiting binibitawan ko kanina, puro pagpapanggap lamang. Mga ngiting ang tunay na kahulugan ay ang kagustuhang makasama sya. Naiinis ako tuwing nagkakasalubong kami at hindi manlang nya ako nililingunan. Ang pinakamalapit ko ata na naging distansya sa kanya kanina ay isang metrong layo lang. Pakiramdam ko hindi naman nya ko kailangan. Pakiramdam ko din ayaw na nya sa akin. Manhid nga siguro sya. Siguro sa araw-araw na ganito, mas magiging manhid pa rin sya. Natitiis nya na ganito kami. Hindi nagkikibuan, hindi nagpapansinan. Nasasabik na ko sa kanya. Gusto ko syang yakapin. Gusto ko syang hawakan. Kaya lang hindi ko kaya. Nakakainggit yung mga kasama nya, nakakaselos yung mga ka-kulitan nya. Nakakainis! Gustohin ko mang makipag-ayos, natatakot naman ako na muling i-reject nya. Sabi nya pag nagkasama kami, magiging mabait na sya at makikipag-ayos agad kung may problema. Pero bakit humantong sa ilang araw na hindi namin pagpapansinan? Orientation ngayong araw, pero wala naman akong naintindihan kung hindi yung mga dance numbers at role play lang. Busy ako sa paglalaro ng games sa cellphone ng classmate ko. Pakiramdam ko hindi ako magiging interesado sa ibang bagay hangga’t hindi kami nagiging ok. Sa tingin ko, hindi sya katulad ng nararamdaman ko. Dahil kung totoo man, sana gumawa na sya ng hakbang para maging ok kami. Gustuhin ko mang makipag-ayos, hindi na ito ang pagkakataon na para sa akin dahil nagawa ko na ang kaya ko. Hindi dahil sa pride, ayoko lang na magmataas sya at gusto ko na malaman nya ang sarili nyang pagkakamali. Hindi ko naman magagawa yung mga bagay na yon kung hindi nya pinapabigat ang pakiramdam ko. Miss na miss ko na sya. Sana ako nalang ulit ang kasama nya. Kaya lang, parang hindi naman mangyayari :’(

No comments:

Post a Comment