Sobrang exhausted na ako sa araw-araw na pag-aaral! nahihilo na ata ako at masisiraan ng bait dahil bukod sa alam kong buong linggo ay may quizzes kami, (i mean everyday talaga) sa susunod na linggo alam kong panibagong week na naman ng puro quizzes ang mangyayari! So you won't doubt kung bakit hindi ako madalas makapag-sulat sa blog ko. Naha-haggard na ako sa everyday routine na uwi, aral, gising ng maaga, aral ulit, pasok, tapos quiz. Sobrang nafe-feel ko na ang hirap ng college life! and when I let myself study all day long for sure, I'm about to lose my mind. Sabi nga ng bestfriend ko, "don't problem your problems, let your problems problem you" aysus, sana ganoon ngang kadali. Pag hindi ko naman pinroblema yung problems ko, parang somewhat like happy-go-lucky ang tema ko non. Naiinis pa ako kasi yung ibang quizzes hindi natutuloy sa allotted days para i-exam kaya naiipon pa yung quizzes namin. Hindi pa man nag-uumpisa ang panibagong week, I know for sure na buong week na naman ang exams T-T nakakapagod naman ng utak. Who stupid will say that BSE is easy? tadyakan ko sya! mas nagiging mahirap na nga ang course namin kaysa sa iba. Nakakabadtrip pa yung quiz namin sa math last time hayyss Bukod pa sa quizzes, ang dami pang assignments. Itong week na ito, wala talaga akong leisure eh, last time na yung pumunta kami ng walter para bumili ng angry birds collectibles. Hindi ako masyado makapagkwento ngayon kasi wala ako sa mood magkwento. I know I have so much to tell but then my mood needs to be settled for I was somewhat like insulted or what kanina pag-uwi ko. Galing pa naman kaming seminar kanina, may mga Singaporean missionaries kasi na ininvite ang TBPY. Medyo hindi ko nga maintindihan yung english nila pero na-aapreciate ko yung effort nila para mag-seminar kahit first time nila yun gawin in english.
Okay, tutulog na ako or surf the net a little bit longer. Makapag-enjoy naman. Hooh! sige. so long..
No comments:
Post a Comment