Wednesday, July 6, 2011

ICE SCRAMBLE! yumm! :)

     Just a short post for today, inaantok na kasi ako. I have just finished my homework in algebra. Ang dami nga eh! pero kaka-enjoy naman i-solve. Uhm.. I think this week is a very very busy week. Monday 'til today may quiz kami plus reporting pa! nakakaloka na ha? We have prepared so much for that quizzes but the annoying thing was quizzes are all forgotten by our profs. aynako! hindi ko alam kung ako'y matutuwa or maiinis. Matutuwa kasi, yehey! hindi tuloy.. we have more time to prepare. The annoying thing naman, nakakainis kasi solo ko na lahat eh! masyado ko kinareer yung pag-aaral *laughs* tas hindi pa natuloy yung quizzes. Nagwo-worry ako na baka mawala na sa utak ko mga inaral ko! *sigh* Padagdag pa tuloy ng padagdag yung coverage ng quizzes. So much of that, well I have a good news! my classmates told me that I was really good in reporting in front of the class! wow! :))))) dapat lang siguro, kasi bonggang-bongga yung deliberation at preparation ko sa report na yun *laughs* and yey! I think got a high score for my performance naman :) and same thing with my groupmates. They were really good also. Galing naman ng group namin. Kahit individual reporting pa rin ang nangyari hehe Sana lang naintindihan nila yung report ko kahit impromptu yung iba. And btw, you won't believe me! kanina sa ssc office, sobrang ROFL na talaga ako kaya lang hindi ko mailabas! ang hirap nuh? haha kasi naman itong si Ethan ay jusko! sobrang nakakatawa kumanta! hahahahaha.. Biruin mo kami pa ni reymel na guitarist ang nag-aadjust sa tempo at pitch nya. hehe grabe! tawang-tawa na talaga ako sa mga OA na gestures nya. Feel na feel nga! hehe ang mga kinakanta pa, puro oldies. Nahahalata na nga nya na natatawa ako eh. haha pero yun eh natutuwa lang ako sa kanya XD ito ngang si Jessa ang bastos, nag-headset ba naman at wala daw syang interes sa mga kinakanta ni Ethan haha kakatawa eh. Pero mukha namang nice sya eh at friendly. Yun nga lang, ganoon na talaga siguro yung personality nya (nag-e-english sa normal conversations at feeler sa pagkanta *laughs*). Pero masasanay din siguro kami pag nagtagal XD Okay naman yung boses nya, wag lang isasama ang mga gestures at facial expression hehe 

     Okay tutulog na ko. Marami pa akong gagawin bukas at kailangan ko ng magpahinga! goodnight :)

     Ay teka nakalimutan ko! hehe kaya pala ice scramble ang title ng post ko kasi favorite na namin yung scramble dun sa may school! ang sarap kasi! feel na feel namin *laughs* tapos inilibre pa kami ni reymel kanina ng isa pang cup. masyado tuloy namin na-absorb ang sarap ng scramble! hehe favorite toppings ko ay choco-mallows! yumm.. :) uhm sige! byeee na :)

No comments:

Post a Comment