Friday, July 29, 2011

AEROKAEBO!

      The day today is Saturday so my mom woke me up this early morning just for us to do some exercise. Sabi nya kasi kelangan na daw naming mag-lose ng weight kasi tumataba na lalo kaming dalawa! Hehe I bet you know ever since naman chubby na ako pero hindi naman yung obese-like na! Okay pa naman siguro akong tingnan? Nakakatakbo pa kasi ako eh *laughs* So as I was saying, we have figured out that’s maybe its about time to lose weight kahit konti lang para naman maging fit pa rin. Sabi rin kasi ng mom ko, may mga CDs naman kaming nakatago for aerobics exercise kaya hindi na namin kailangang pumunta sa gym, we can do it ourselves inside our house naman. So ngayong umaga, kakatapos ko lang maligo kasi sobrang sweaty ako kanina. Infairness effective nga sya ah? *LOL* Medyo nakakapagod with the kick-thing with matching boxing at karate. Bakit ganon? Mas nasaktan pa ang paa ko kaysa sa katawan. Barefooted lang kasi ako kanina, so tomorrow magsusuot ako ng rubber shoes para iwas foot-aches. Uhm, sana ma-maintain ko yung exercise na yon. I’ll try kahit schooldays magawa ko mag-aerobics. Minimum of 30 to 40mins naman yon eh at atleast 4 to 5 times a week. Sana naman mamayat ako? Haha Pray for me *giggles* Well its so refreshing every morning to take a bath after sweating. I guess I’ve started my day productive? *LOL* Masasabi ko na talagang productive ang araw ko pag may nagawa akong isang bagay tuwing umaga. I used to wake up so late kasi eh *lawls* Sana talaga maging routine ko ito every morning, I’m with my mom naman who’s eager to lose weight even though I laugh on her moves, nakakatawa kasi *laughs* But for sure mag-iimprove naman yon *smiles*
     And hey! I have another story about this week. Linggo ng wika is fastly approaching so may mga contest na ina-anounce yung mga taga PUPCA, as far as I know sila yung club na concern sa English and Filipino subjects ng PUP. Last Thursday afternoon, officers of PUPCA announced na magkakaroon ng audition ang section namin para sa Sabayang Pagbigkas. Since maunti ang boys, all of them are already included. So, girls lang ang papa-audition nila. Audtion were held at the octagon building here in PUP. Isa-isa tinawag to say the line ”Pilipino.. Isang depinisyon!” We must say it loudly and clearly para matukoy kung alto o soprano ang voice namin. I belonged to the soprano group. Akala ko, yon na yon na hindi lang nila in-include yung ayaw sumali. Ang ginawa pa nila, they let us say the said line individually with the expression they wanted us to do. Ang gusto pa nila ay pagalit.. So parang nahihirapan ako, kailangan pa fierce-looking, yun bang nanlilisik ang mata! Eh natatawa ako sa mga bading na nagpapa-audition kaya hindi ako nakuha sa 1st screening (may ganun? *lawls*) Sabi nga ng bestfriend kong si Jessa, gayahin daw namin yung expression ng angry birds! Haha Noong 2nd screening na, gosh! Natawa talaga ako ha? Noong 2nd time kong sinabi ng pagalit yung ”Pilipino.. Isang depinisyon!”  Pero infairness, pasok na ako! Ang galing ko naman? *laughs* 12 ang napili sa girls at 12 lang din ang napili nila sa boys (yung magagaling lang ata ang tinira sa boys) So yon, practice of  voicing lang. Pero noong break time, umuwi na ako. Naisip ko kasi na ayoko na sumali. I’m planning to back out as of now kahit alam kong dehado ako kina Kuya Arnie. Wala kasi akong kasabay lagi umuwi eh late pa naman lagi ang tapos ng practice just like last time, kung hindi pa ako umuwi agad, 6:30pm na sana ako nakarating ng bahay. Since hindi rin naman kasali ang bestfriend ko, ayoko na. We have a lot of things to do together *laughs* Marami na nga ring gustong mag-back out. Tska may 2nd section pa naman ang BSE, pwede pa sila pumili sa mga yon. Magche-cheer nalang kami sa laban. hehe

Wednesday, July 27, 2011

FINGERSTYLE GUITARIST!!

      When I usually see someone who is really really good in playing the guitar, I get easily mesmerized and impressed especially when they do the plucking-thing while playing because that is actually a difficult part when you do play a guitar. I can truly say that learning to strum and to pluck on guitar is not easy to achieve because first, the basic strumming is not that easy to learn because the movements of our hands usually do the same thing together. Second, finger aches will occur because of too much pressing, strumming and plucking on guitar-strings. But as much as you are eager to learn, a couple of months will be a minimum time you are able to play guitar. I've been learning it for over a year and truly love owning the ability to play one. 
       As of now, I'm starting to learn "more than words" in my guitar. So yesterday, I have checked out you tube for guitar tutorials for me to completely learn the piece I'm learning. Suddenly, I have noticed those Sungha Jung's videos which were always popping out when I search for some guitar covers. I remember, he is the one my brother was talking about few weeks ago that's according to him, Sungha Jung is a guitar master. I am kinda interested to him that's why then, I watched some of his videos. I didn't actually intend to watch him for that long hour but I haven't noticed that I almost did. He is really really good!!!!! God! I mean very very brilliant! I guess Sungha is the very best guitarist I've ever seen. At the young age of 8, he has already started playing guitar with this fingerstyle picking and plucking. I can hardly say that he is already a guitar hero! He even plays ukulele and piano too. A very talented boy and really a proud of Asia. Yes, a Korean boy. Sungha Jung is super amazing, Sya lang ata ang nakakagawa ng mga ginagawa nya. Idol ko na sya, parang piano lang ang gitara sa kanya eh *laughs* (biglang tagalog noh? *LOLs*)  check out this video and the related ones. You'll be amazed and totally impressed I swear!

      Btw, wala kaming pasok ngayon dahil may bagyo na naman! Suspension of classes in highschool and elementary levels are announced many many times yesterday but not mentioning whether College level do have classes or don't. Sobrang sophocated pa nga ako sa pag-aaral sa Psychology na as far as I know, 1/4 of the book ang coverage ng test. Ang sakit sa ulo eh noh? Nakakainis naman tong PAGASA at late na in-announce na walang pasok pati college level. Nakapasok pa tuloy! Napagala pa tuloy kami sa SM Calamba ng Bestfriend ko *laughs* Tapos bigla kong naalala, hindi pa pala kami nakapagpa-photocopy sa enma para sa quiz namin. hayss kaya bahala na ako bukas! *sigh*

Monday, July 25, 2011

JOYRIDE!

         Actually wala naman talaga akong plano magpost ngayon.. I'm just feeling so kaya nagpost na ako *laughs* Btw, SONA ngayon ni President Pnoy kaya lang ang KJ nya ha? Unlike other SONAs of the previous presidents kasi laging walang pasok. Sa kanya lang nagkameron ulit. Ang daya din kasi noong Batangas Day, may pasok ang Sto. Tomas! ang daya naman. Tanauan nga wala at yung ibang parts pa ng Batangas. Ano ba naman yun? hindi ko na-feel ang pagka-Batanganueno ko. Wait, naalala ko na pala kung bakit kailangan ko magpost dito. May very very happy story nga pala ako! Yesterday 4pm, we were invited in a free film showing sa "Dating Daan". Si Esther ang nang-invite samin. Ang title ng play ay "Isang Araw Lang" Ang ganda nga noong message ng movie kahit hindi ko masyado naintindihan dahil nakikipagkwentuhan ako. hehe Na-miss ko kasi yung mga friends ko sa SPNHS eh parang little reunion yun. Nalala ko pa, masyado naming chinika si Aubrey about sa nababalitang GF nya na yun pala, ka-kasunduan lang nya, umuwi na nga agad sya eh KJ noh? *laughs* Saya pa nila kasama lalo na kung andun yung baklang si Fernan *laughs*. Uh, masyadong caring ang mga tao dun ha? at ang babait pa, imagine libre na ang ticket provided pa ang dinner plus free tshirt and bookmark at rides pauwi! Grabe, ang saya namin noong pauwi! 8pm na natapos ang film. Since provided ang ride pauwi, sinamantala na namin mag-joyride at mag-bonding magkakaibigan *LOL* Ang usapan ay ang unang ihahatid ay ang pinaka-malayo, so Alaminos ang inuna! kayna Grace, tapos pa tanauan na. woah ang layo diba? hehe haba tuloy ng byahe ng mga taga-Tanauan. Pinasok pa ni kuya yung jeep sa mga kanto at barangays na papasok, ang bait talaga noh? 1hr nga ang joyride namin eh. Ang saya talaga kahapon :) Hindi pa nga ako noon nag-aaral para sa quiz namin sa enma eh but i've managed to study naman right after I got home.

        Sana maulit muli ang mga experience na ganito.. Mas masarap pa rin talaga maging high school student kesa college *smiles*

Thursday, July 21, 2011

OUT OF MY LEAGUE..

        I am soo not in a good mood to be what I used to be when I write my stories here in my blog. For now, not the jolly one 'coz I'm quite annoyed to all the things that are currently happening in my school! hayss.. Hindi ko alam kung dahil ba sa stressed lang ako dahil sa araw-araw na quiz at konti lang ang pahinga ng utak ko o sadyang naiinis lang ako sa mga bagay-bagay sa paligid ko. Tuesday, it was then when we watched the practice of our classmates for the TBPY oath taking.  They are having a battle of the bands and we prefer to have an entry (syempre naman pra sa section) ang layo nga ng narating namin. Sa Tanauan pa yun, sa bahay ng classmate ko.. feeling ko nga napakalayo nung place eh. Ayun, nagpraktis sila doon.. (i'm sorry, I had a happy moments with them naman kaya lang hindi ko maikwento *frown* I notice every time I write here in my blog, I'm always in a bad mood?? hayss or sadyang bitter lang talaga ako? ewan ko ba. Nothing makes my life happy naman in a way na naiintindihan at napagtyatyagaan ako sa pagiging ako eh *sighs* check out my "SHOUT OF SILENCE" blog) Ang pinaka-kinaiinis ko pa.. Noong oath taking na, nag-brownout pa! ay grabe, feeling ko naman walang aattend nung time na yun eh.. NSTP pa namin nung wednesday, hindi ko naman akalain na kukunin lahat ni Kuya Arnie yung time namin.  Feeling ko sinadya nya talaga na hindi kami maka-attend sa batttle of the bands. Against din ata sya sa org eh, dami nya nga sinabi about sa TBPY, noon ngang naramdaman ko na ang dami ng batikos at negative feedbacks ng org sa school, parang gusto ko na tuloy mag-quit. Kapag kasi my mga events, kahit anong pilit namin sa mga classmates namin, wala namang napunta. Pag my meeting, walang na-aattend. Kawawa tuloy ang kinalalabasan naming mga officers, nagmumukhang tanga ika nga. Wala kasing nakikinig samin. Hindi na rin kasi ata sila interested sa org dahil sa mga sabi-sabi ng mga ibang estudyante at teachers. Tapos yun, pag may mga batikos sa org, samin pa sasama ang tingin ng iba, eh wala naman kaming kinalaman doon kasi appointed officers lang naman kami hayss!
        Btw, I'm going to lend my bestfriend a money for her to buy a contact lenses urgently. By next two weeks, makakabili na siguro sya. She's going to save some money in addition sa pangbili. Half lang kasi ng price ang ipapahiram ko sa kanya. Necessity naman nya yun kasi ang taas na talaga ng grado ng mata nya, it'll help her a lot naman when she have it na..
        That's what happened last past few days, I'm currently listening to a song "out of my league" by stephen speaks. I'm definitely inlove with this song. Its really a somewhat classical romantic song. Kanina lang noong pinapakinggan ko ito, hindi ko pansin pero teary-eyed na pala ako. Hindi talaga ako okay ngayon, Naiinis nga ako sa nararamdaman ko. Naawa?? hayss ewan ko ba. Ang gusto ko lang naman ay respeto at pang-unawa. Pero bakit parang ang hirap naman ata makuha nun? Wala na akong maisip. Bahala na ako bukas, sa makalawa at sa mga susunod pang araw. Mas mabuti pa siguro ang mag-isa. Parang may mali talaga *sigh*

Friday, July 15, 2011

DAILY ROUTINE: Quizzes!

       Sobrang exhausted na ako sa araw-araw na pag-aaral! nahihilo na ata ako at masisiraan ng bait dahil bukod sa alam kong buong linggo ay may quizzes kami, (i mean everyday talaga) sa susunod na linggo alam kong panibagong week na naman ng puro quizzes ang mangyayari! So you won't doubt kung bakit hindi ako madalas makapag-sulat sa blog ko. Naha-haggard na ako sa everyday routine na uwi, aral, gising ng maaga, aral ulit, pasok, tapos quiz. Sobrang nafe-feel ko na ang hirap ng college life! and when I let myself study all day long for sure, I'm about to lose my mind. Sabi nga ng bestfriend ko, "don't problem your problems, let your problems problem you" aysus, sana ganoon ngang kadali. Pag hindi ko naman pinroblema yung problems ko, parang somewhat like happy-go-lucky ang tema ko non. Naiinis pa ako kasi yung ibang quizzes hindi natutuloy sa allotted days para i-exam kaya naiipon pa yung quizzes namin. Hindi pa man nag-uumpisa ang panibagong week, I know for sure na buong week na naman ang exams T-T nakakapagod naman ng utak. Who stupid will say that BSE is easy? tadyakan ko sya! mas nagiging mahirap na nga ang course namin kaysa sa iba. Nakakabadtrip pa yung quiz namin sa math last time hayyss Bukod pa sa quizzes, ang dami pang assignments. Itong week na ito, wala talaga akong leisure eh, last time na yung pumunta kami ng walter para bumili ng angry birds collectibles. Hindi ako masyado makapagkwento ngayon kasi wala ako sa mood magkwento. I know I have so much to tell but then my mood needs to be settled for I was somewhat like insulted or what kanina pag-uwi ko. Galing pa naman kaming seminar kanina, may mga Singaporean missionaries kasi na ininvite ang TBPY. Medyo hindi ko nga maintindihan yung english nila pero na-aapreciate ko yung effort nila para mag-seminar kahit first time nila yun gawin in english. 

      Okay, tutulog na ako or surf the net a little bit longer. Makapag-enjoy naman. Hooh! sige. so long..

Friday, July 8, 2011

ANGRY BIRDS!

       Today is a kinda rainy and cold day pero aba, masaya yun! *laughs* Kaninang umaga medyo late na ako. Ang bagal ko kasi kumilos eh hehe. Friday again and we recently looked for some places to hang out (usual do's). After our class, pumunta kami ni Jessa ng waltermart para lang bumili ng mechanical pencil. Oo, dahil lang doon hehe Sa expression kami nakahanap pero ang nakakainis, napamahal pa ata. Wala kasi kaming mahanap na murang .7 ang size ng lead and it just so happened na mas mahal ang ganoong size. Nakakapanghinayang pa kasi meron pala sa Merriam Webster na mura! sayang! but its just fine because I'm pretty sure naman that I bought a more expensive but a better one. 
       Today is July 08, 2011. 08, I and my bestfriend's favorite day :) at naalala ko. I bought something for her nga pala. I gave her an angry bird-keychain. Yesterday kasi, my mom and I went to waltermart to shop some grocery items lang at ako sa pag-aantay sa mom ko, tumingin ako sa clippers ng mga items nila and gosh! angry birds items was really really cute that made me bought one. Naalala ko kasi kahapon, 8 nga pala kinabukasan kaya binili ko si Jessa ng keychain. Favorite nya rin kasi ang Angry birds hehe I really am addicted to that game! super! as in I really enjoy playing it. Recently, hindi ko pa sya masyado hilig mga last vacation ganoon. Kasi puro internet kasi ako kaya minsan lang makapaglaro. Pero noong pinahiram ko kay Jessa itong laptop ko at sobrang na-level up nya yung game kong angry birds, kanina when I tried playing it again, woah ang saya! haha. Then we took some snacks in Mcdonald's at naki-WIFI kami doon hehe dala kasi namin ang laptop at sinamantala namin yung time na nakaupo kami doon *laughs* Naglalaro lang kami ng bestfriend ko ng Angry Birds the whole time, medyo maingay nga kami kanina kasi napapasigaw kami kapag napapatay namin yung pigs *LOL* Ang saya nga kahit kaming dalawa lang hehe 
      Uhm sige laro muna ako ng Angry Birds! *laughs* tapos bukas gagawa pa ko ng homeworks at mag-aaral for quizzes kaya hindi pwede magpuyat masyado. I'll make a description about myself nga pala. Homework namin sa Psycho. I'll post it to my other blog "Shouts of Silence" you can check it out nalang. hehe ok byee..

Wednesday, July 6, 2011

ICE SCRAMBLE! yumm! :)

     Just a short post for today, inaantok na kasi ako. I have just finished my homework in algebra. Ang dami nga eh! pero kaka-enjoy naman i-solve. Uhm.. I think this week is a very very busy week. Monday 'til today may quiz kami plus reporting pa! nakakaloka na ha? We have prepared so much for that quizzes but the annoying thing was quizzes are all forgotten by our profs. aynako! hindi ko alam kung ako'y matutuwa or maiinis. Matutuwa kasi, yehey! hindi tuloy.. we have more time to prepare. The annoying thing naman, nakakainis kasi solo ko na lahat eh! masyado ko kinareer yung pag-aaral *laughs* tas hindi pa natuloy yung quizzes. Nagwo-worry ako na baka mawala na sa utak ko mga inaral ko! *sigh* Padagdag pa tuloy ng padagdag yung coverage ng quizzes. So much of that, well I have a good news! my classmates told me that I was really good in reporting in front of the class! wow! :))))) dapat lang siguro, kasi bonggang-bongga yung deliberation at preparation ko sa report na yun *laughs* and yey! I think got a high score for my performance naman :) and same thing with my groupmates. They were really good also. Galing naman ng group namin. Kahit individual reporting pa rin ang nangyari hehe Sana lang naintindihan nila yung report ko kahit impromptu yung iba. And btw, you won't believe me! kanina sa ssc office, sobrang ROFL na talaga ako kaya lang hindi ko mailabas! ang hirap nuh? haha kasi naman itong si Ethan ay jusko! sobrang nakakatawa kumanta! hahahahaha.. Biruin mo kami pa ni reymel na guitarist ang nag-aadjust sa tempo at pitch nya. hehe grabe! tawang-tawa na talaga ako sa mga OA na gestures nya. Feel na feel nga! hehe ang mga kinakanta pa, puro oldies. Nahahalata na nga nya na natatawa ako eh. haha pero yun eh natutuwa lang ako sa kanya XD ito ngang si Jessa ang bastos, nag-headset ba naman at wala daw syang interes sa mga kinakanta ni Ethan haha kakatawa eh. Pero mukha namang nice sya eh at friendly. Yun nga lang, ganoon na talaga siguro yung personality nya (nag-e-english sa normal conversations at feeler sa pagkanta *laughs*). Pero masasanay din siguro kami pag nagtagal XD Okay naman yung boses nya, wag lang isasama ang mga gestures at facial expression hehe 

     Okay tutulog na ko. Marami pa akong gagawin bukas at kailangan ko ng magpahinga! goodnight :)

     Ay teka nakalimutan ko! hehe kaya pala ice scramble ang title ng post ko kasi favorite na namin yung scramble dun sa may school! ang sarap kasi! feel na feel namin *laughs* tapos inilibre pa kami ni reymel kanina ng isa pang cup. masyado tuloy namin na-absorb ang sarap ng scramble! hehe favorite toppings ko ay choco-mallows! yumm.. :) uhm sige! byeee na :)

Friday, July 1, 2011

TGIF!

     1st day of July ngayon, sabi nila kung ano daw ang mood mo sa simula ng buwan, yun na rin daw ang magiging mood mo for the rest of the month. So you mean, magiging great pretender at sad ako for the whole month? Kawawa naman ako kung ganoon. Miss na miss ko na sya pero ayokong malaman nya, sobrang lungkot ko dahil hindi sya ang nasa tabi ko tumawa at magsaya. Ang bawat ngiting binibitawan ko kanina, puro pagpapanggap lamang. Mga ngiting ang tunay na kahulugan ay ang kagustuhang makasama sya. Naiinis ako tuwing nagkakasalubong kami at hindi manlang nya ako nililingunan. Ang pinakamalapit ko ata na naging distansya sa kanya kanina ay isang metrong layo lang. Pakiramdam ko hindi naman nya ko kailangan. Pakiramdam ko din ayaw na nya sa akin. Manhid nga siguro sya. Siguro sa araw-araw na ganito, mas magiging manhid pa rin sya. Natitiis nya na ganito kami. Hindi nagkikibuan, hindi nagpapansinan. Nasasabik na ko sa kanya. Gusto ko syang yakapin. Gusto ko syang hawakan. Kaya lang hindi ko kaya. Nakakainggit yung mga kasama nya, nakakaselos yung mga ka-kulitan nya. Nakakainis! Gustohin ko mang makipag-ayos, natatakot naman ako na muling i-reject nya. Sabi nya pag nagkasama kami, magiging mabait na sya at makikipag-ayos agad kung may problema. Pero bakit humantong sa ilang araw na hindi namin pagpapansinan? Orientation ngayong araw, pero wala naman akong naintindihan kung hindi yung mga dance numbers at role play lang. Busy ako sa paglalaro ng games sa cellphone ng classmate ko. Pakiramdam ko hindi ako magiging interesado sa ibang bagay hangga’t hindi kami nagiging ok. Sa tingin ko, hindi sya katulad ng nararamdaman ko. Dahil kung totoo man, sana gumawa na sya ng hakbang para maging ok kami. Gustuhin ko mang makipag-ayos, hindi na ito ang pagkakataon na para sa akin dahil nagawa ko na ang kaya ko. Hindi dahil sa pride, ayoko lang na magmataas sya at gusto ko na malaman nya ang sarili nyang pagkakamali. Hindi ko naman magagawa yung mga bagay na yon kung hindi nya pinapabigat ang pakiramdam ko. Miss na miss ko na sya. Sana ako nalang ulit ang kasama nya. Kaya lang, parang hindi naman mangyayari :’(