Wednesday, June 13, 2012

THE FACT SHEET!

   Oh God! This is so annoying! Wanna bite a people, really! Errrrr! Its 11:12pm and still I’m waiting for our internet connection to get back, kainis ang Globe eh! Maghapon na! Amp. I can’t sleep. Oh nooooo! What am I gonna do now? We don’t have an internet connection as of this very moment, what else can I do? Nakakabato na kaya yung mga palabas sa cable. Tss. This is pissing me off! Sira ata ‘tong laptop ko eh, ang sabi ba naman sa net connection eh, “Network 5: Internet Access” Shets lang, eh pagka-open ko naman ng browser “Problem loading page” slash “This webpage is not available”. Fcking Prank then? Not now, wala ako sa mood. Ahhhhh! Sa sobrang badtrip ko, I even bit my lower lip that hard causing it to ache like this. Hanubayan.. Ang OA ko naman mainis? Well.. This is really freakin’ irritating, truly. I’m like insomniac tonight. Ugh, ikaw ba naman kasi ang gumising ng 10am. Oh well, you will not wonder why I’m like this way.. Yeah, yeah. Eh ano naman ba ang problema kung ganoon? May magagawa naman ako kung sakaling hindi ako makatulog eh.. pero ngayon? Goddamn sheyts, walang internet connection! Tiniis ko na ‘to buong maghapon ah. *grunt* This is a torture! It makes me wanna daydream about the things I really want to have right now.. my materialistic plans. Hmm.. Buti nalang maganda ang araw ko ngayon, nasisira lang talaga kasi hindi ako makatulog ngayong gabi. Nabibingi naman ako mag-soundtrip ngayon, mas hindi ata ako makakatulog. Not this time. 

   PS. Ang gagu talaga ng laptop ko, tiningnan ko ulit eh. Internet access daw tapos ayaw naman magloading ng fb.com. You bitching me out talaga ha? Tss. I’ll try to sleep. Calm down Idynell. Ang OA mo na naman.

   PS. again, I’m so bitter noh? HB kasi eh.. Oh don’t you dare think that I’m Heart Broken. Yuuuck?? I’m High Blood today, okay? For now, that’s the meaning of HB ha? Ha? Yeah I know you get it na. Kkbye! Uhh wait, ipo-post ko nalang siguro ‘to sa blog ko bukas ‘pag may net connection na. Night.

Wednesday, June 6, 2012

HAPPY 1ST ANNIVERSARY!!! =)

"If I’m not mistaken, this blog is quite near to celebrate its 1st anniversary. Whooo!" 

     Yan ang sabi ko sa last post ko, but when I checked my very first post on this blog, I've seen June 06, 2011! So, ano ha? HAPPY HAPPY ANNIVERSARY!! More stories to share!! :) Kaya tune in lang! HAHAHA.

PS. Natatawa nalang ako sa tuwing nababasa ko yung posts ko last year, na halos mabaliw ako sa TBPY. Haha! Get over it! =D

Stay..

Hellooo?? *kroo kroo kroo* Yeah yeah.. I’ve almost forgotten you, and I’m sorry. Summer is almost over and classes are about to start na and If I’m not mistaken, this blog is quite near to celebrate its 1st anniversary. Whooo! That’s great! I’m writing like forever, maybe seldom but I assure to keep in touch. And don’t you worry my e-diary, I’ll never get sick of telling my stories to you. Just be patient if sometimes, I take so long in posting. *grins*
     Kung napapansin mo, iba yung presence ko ngayon, may iba eh, feel ko talaga yon. Unlike the usual me pero hindi naman dahil sa stressed ako or something. Neither am I a fretful lady, just lonely. My Grandmother kasi has just passed away a week ago. She had been confined at ICU for week and it was a total grief seeing her suffered there. Just so sad na ginawa na naming lahat para mabuhay si lola pero nawala pa din sya. Most of the time, I blame it to the hospital. Tss. *sigh* Pero sabi nga ng High school best friend ko, si Julius, “Kung time na nga ng isang tao, time na nya. Lahat naman dadaan sa ganoon at kailangan nalang tanggapin.” Okay.. Its just so hard to let go. Sobrang naging close kasi kami ng lola ko, mahilig sa gala eh pero sya yung madaling sumaya kahit sa mga simpleng bagay lang na naiibigay sa kanya. Hays. Si lola kasi yung nagpalaki sa’kin, lagi kasing nasa work ang parents ko noon, I think until 10 years old ako, si lola pa din ang nag-aalaga sa’kin. Naaalala ko pa noong bata ako, yung mga nights na hindi ako makatulog kapag hindi ko katabi si lola, ang ginagawa pa ng parents ko, pinapatulog muna ko sa tabi ni lola, sa bahay nila tapos bubuhatin nalang ako pauwi sa’min.  Si lola din yung kasama ko lagi sumimba. Hays. Sobrang mamimiss ko talaga si lola, ngayon pa nga lang eh.. :’( I hope she’s happy now and I know, she’s already in good hands wherein there’s no pain and agony. I’ll forever cherish every moment I was with my lola. She’s extraordinary, I really don’t know why things like this need to happen but we just have to accept it. My dear lola, I love you so much. Tingin ko nga, hindi pa rin nagsi-sink in sa mind ko na wala na sya eh. Still can’t stop my tears from falling, its really heart-shattering. I’m so speechless to what I feel, all I know is I’m sad but I think I’m ready to let go na.. Nakakaiyak lang talaga minsan kapag naaalala ko si lola. *sigh*

Friday, May 18, 2012

AWKWARD. :3

   Yung ganitong feeling? Yung ang bigat-bigat ng nararamdaman mo pero hindi mo maipaliwanag kung bakit. Wala lang, hala sige! Iyak-iyak lang pero tuwing tatanungin mo ang sarili mo, ni hindi mo manlang magawang i-verbalize yung mga bagay na nararamdaman mo.. basta ka lang mag-eemote dyan, adik lang? Feeling ko, the world is against me so then I got to be outta here I guess? *poker face* Its just too rough. Emotionless girl right here but deep down inside I'm.... *sniffles* Hays. Sobrang speechless ako. Nobody understands me, nobody really knows me and knows my worth. I may be so far from the usual beings but this is just me. Ang sakit lang na... Just so I can tell everything in here. :'( Makapanood nalang ng Corazon, Ang Unang Aswang, I don't wanna be so so Overreactive.

PS, wala akong kakampi. Poooooor me.

Thursday, May 10, 2012

There's a zombie..

   Ano? Zombie na koooo! I'm so much distressed and I really have to recuperate my energy! Jeez! I need more sleep. *sigh* I'm so sorry for taking so so long in posting here. I'm just, just so not have enough time to spare kasi eh. I wish I can tell every minute details of every action I make, pero hindi eh. I have so many appoinments pa, my summer job is a torment plus yung applying of scholarship, we really have to work on that. I guess, just a couple of weeks and we'll be done on our summer job. But its still a long wait for me and I have to be tolerant. Though we have not much work to do inside the office, its still tedious, boring! Gosh, if its not really for the money, I won't be able to finish this.

Friday, April 20, 2012

I can't feel the summer heat!

   Ginusto ko mag-summer job, kaya magdusa ako! Hoho. Uhm, honestly, I hate the early-wake-ups and early-sleep-nights routine. Its tortuous! I'm being embraced by some pimples pa in addition to that said torture. But that's just the price I gotta pay. Feeling like somewhat imprisoned inside the office? But the fact is, not really. Exaggerated lang ako. Haha. Actually, I'm really having fun. Its like I've gotten another group of family & friends. I so love Tito Marco. Hehe. First impression ko sa kanya, bitterstrict! *laughs* Pero mali pala, he's affable. Sya din yung tagalibre lagi ng meryenda namin. He won't let us down. Haha. At na-discover ko pa pala na pinsan nya si Sir Cueto, yung Psych teacher namin noong 1st semester. Same surname kasi eh kaya naitanong namin. Akalain mo nga naman, what a small world. (Sto. Tomas lang naman eh. *LOL*) Haha. Sa PUP din daw kasi nag-aaral yung anak nya. Uhm, hindi lang naman si Tito Marco ang mabait sa office, lahat naman, kahit si Boss! Sponsor sya lagi ng mga meryenda namin eh. So galante! Haha. *grin* They're nice. Guide us, instruct us, teach us what to do. And my "SPESmates" ha? We're like family na. Ingay namin sa office! Like a Boss nga daw ang tema kapag solo kami don. Hoho. Plus the cranky jokes of them. They're so nice to be with especially Keeno. =D
   And check this out! Grabe! Sobrang ihit ako noong isang araw sa office dahil kay Bisaya Boy! Hahaha. Nakakahiya nga eh. Kahit sina Tita Zeny, nakikinood na. Ito kasing si Bisaya boy, sobrang crush si Robi (yung co'SPES ko.) Eh grabe lang ha? I don't know what she felt after seeing this video. Asked her, mixed emotion daw! *LOL* She appreciates that of course pero nado-dominate daw ng saya ang puso nya kakatawa. So are we. Di na ko makahinga dyan eh, grabe lang! *eksdi*
    I got no time to stay online any longer. Sobrang budget na budget ko ang oras ko dahil ako'y kulang na kulang sa tulog. I enjoy what I'm doing but I have to be manageable enough to the sort of things I'm into, so that I can be productive. Byee! =D

Thursday, April 12, 2012

How are you?

   Okay. Okay. I know right? I'm like gone for a long time and so pasensya na! Hihi. I am just busy?? *grins* Sa totoo lang, ang dami ko ng kwento. In fact, I don't know where to begin. *laughs* Summer na! Yep yep. Its official! Classes are over and I am young, wild and free! *LOLs* But! I refuse to be free (but that's beyond my choice. Haha.) I told you diba? I applied for a summer job. Ayun! We have started already last Tuesday. Supposedly, sa library ako assigned together with Sir Pitt (Woah!) pero since hindi naman daw sila nangangailangan pa ng staff, temporarily, sa MENRO muna ako. (Pero I guess, di na ko maililipat pa. Haha.) At ang sobrang nakakatuwa pa, doon din assigned yung bestfriend ko! Haha. KISMET!! =D I'm so HAPPY! May ka-kwentuhan ang lola nyo during office hours. *laughs* 1st 3 days are cool, we met new friends, Keeno, Ate Kristy and Robi who are our fellow "SPESmates". *laughs* As of now, light pa lang yung work namin sa office. Uhm pero, tila ata parang workshop ang pinuntahan namin ah. Kasi naman, puro artworks ang pinapagawa nila eh, like personalized-beads made of recycled papers. Hay nako! MENRO nga eh, dapat eco-friendy. Ahh, nature-destroyerlover naman ako diba? Hahaha. Hmm. Kami din yung assigned mag-design sa bulletin board. I hope it'll be just fine. Hehe. Akala ko ba more on clerical works kami? IDTS. *chuckles* Day 3 today and We are forming a bond already even with our Kuyas, Ates, Titos, Titas and kay Boss! Haha. Puro foodtrip naman sila sa office eh, syempre hindi naman pwede na di kami kasali, so.. nakakahiya man at dahil napilitan lang, ayun! Puro kaen lang din kami. Haha. Mananaba pa ata ako don ah? At teka, may clown kami sa office, Si Tito Marco kasi eh, ang chickboy na tomboy daw ng MENRO. =D Hindi naman sya tomboy eh, he's a straight man! Pero mukha syang tomboy! Haha. Lagi namin yon napagkakatuwaan nina Jessa at Keeno e. Comedy kasi sya. =D Pero take note, hindi sya nagpapatawa ha? *LOL* Sya kasi yung tipong kung ano ang mapansin, sinasabi nya. Kaya tuloy in his own ways, he entertains us. *laughs* Sya din pala yung nagpapagawa sa'min ng beads. Sakit na nga ng kamay ko don. Pahirapan ba naman kami? (Pero kung hindi naman dahil don, wala kaming gagawin) *giggles*
   Enjoy naman ako sa summer job ko. Haha. Even though, I already stopped the up-all-night-routine in order to get up earlier in the morning, masaya pa din. =D kahit na madalas, nagkukulang na ang tulog ko. I am somewhat distressed but I can recover naman inside the office. You know, well-rested on a chair. Haha. I was just kinda upset kasi yung akala ko na hindi na ko mapapalipat, nagkaron pa ata ng lamat. Kukuha pa kasi sa'min ng isang SPES (kasi nga madami kami don eh, 5.) I am afraid It would be me. Kung kailan naman close na kami sa mga tao don, saka pa ipu-pull out ang isa. Kung pwede lang, wala ng mabawas sa'min. Hmm. But if it'd be me, its just fine. No hard feelings. I just hope everyday at work, I can be at my best when doing appointed-tasks.

Tuesday, March 13, 2012

Ooh, Sometimes I get a good feeling!

   How's it going? Ang tagal na ng last post ko noh? Sobrang busy lang kasi. Hoho! So.. I've been busy for so long but I got a lot of things to tell you! Lalo na ngayong araw. Oh man! I'm feeling so HAPPY today. More than a girl in a cloud 9. *laughs* I feel so high. Daig pa nagpa-overdose sa Enervon! Haha. =D Paragraph by paragraph ko nalang idi-discuss aright?
   As of this very moment, our classes has officially ended. Brain-twisting final exams are over and this is cool! *laughs* Pero pasok-baon pa rin ang tema namin until Friday. Last baon-hirit na naman eh. Samantalahin na! *LOL* Well.. Counterpart to this gladness is a slight shattering thought that this school year has come to an end. I'll surely miss my classmates, friends.. especially those who are going to transfer na as well as shift courses. Aaah. Basta ako, dito lang ako sa PUP, sa BSEnt! Loyal? *laughs*
    Uhm, anyways, about sa summer job ek-ek, February pa lang, pinag-planuhan na namin mag-apply here sa Municipality ng Sto. Tomas. Actually, just for fun lang naman talaga yon eh. Nag-pass kami ng application form then that's it. Pero tila sineryoso namin itong opportunity na 'to ha? Ang dami din kasing gusto mag-apply eh, we're lucky kasi nakahabol pa kami ng best friend ko na supposedly, hindi na dapat kami aabot kasi almost paubos na ang available forms. Sinwerte lang talaga ng isang araw kaya nakahabol pa! So, I guess.. Its for us talaga I think. Haha. We get interviewed and fortunately passed. Aba! Ewan ko nalang kung hindi pa kami makapasa dyan ha? Porke daw kasi ang kinukuha lang ng DOLE ay yung mga poor ones at talagang nangangailangan, hindi na agad kami qualify? No, no.. We do things, make things happen! Paawa-effect is the solution. Haha. Ang sabi namin, walang trabaho ang parents namin. At naniwala naman ang mga chaka kaya nakalusot! Haha. But that's not it, dahil nga sa kuripot ang Municipality namin, kokonti na nga lang ang slot, binawasan pa din nila. Sa sobrang kuripot nga, nagpa-exam pa sila para ma-eliminate yung iba dahil kulang na nga ang available slots. 26 slots lang ang na-solicit ng kuripot na Sto. Tomas Municipal para sa mga new SPES eh. 39 kami lahat na nag-apply. So, 13 ang matatanggal. Sobrang kinabahan ako sa exam namin kanina, 21 items lang pero under time pressure of 12 minutes. Urgh! I was totally shaking then! Haha. Hindi nga ako makapagsagot ng ayos eh, nadi-distract kasi ako kay Elmer! (Nagha-handle ng SPES) Pangit kasi! Haha. Joke! Basta yon. Nakita na rin namin instantly yung results ng exam. And luckily, I passed! Ganon din yung best friend ko at yung isa ko pang classmate. Sobrang gusto ko mapatalon kanina noong nakita ko yung name ko sa top 26! Gusto ko sumigaw! Haha. OA. IKR! Well, I'm just happy. :) Sooo much. Pero sad part lang for Jenny, apat kasi kaming frienships na nag-apply doon, sayang lang kasi dahil naabutan pa sya ng cut off. Bale, pang-27 sya. So sad! Haaays. Pero sabi nga nya, "Life must go on" (OA?) Edi, go on! Haha. Next time nalang daw ulit sya magta-try. Ang kaso lang, may requirements pa ang napaka-arteng DOLE na... ewan, basta yung statement ng monthly income nyo. Hala, dehado naman ako don. Sana lang, makapasok pa din ako. Ang dami ko nang hirap na dinanas ha? Dami-daming proseso. Nakapasa na ako at lahat tapos ire-reject nila ko? NO WAY! :3
    Kanina pala, sa tindahan ni Tita rose, noong paalis na kami, sabi noong babae sa unahan pagkalampas ko, "Uy, ang ganda ng paa oh!" Haha. Actually, hindi ko naman narinig yon. Sinabi lang ni Jessa at Mayla sa'kin, for sure naman daw kasi na ako yon kasi ako ang nauna lumakad palayo. Sus! Flattered naman ako. Hindi naman tunay eh! Hihi. :"> Pero teka, meron pa! Kanina lang din, sa tindahan ng jelly case, (bibili sana ako kaso wala naman akong makita na match sa phone ko) sabi ni kuya tindero, "Ate, parang itlog ang paa mo." I'm like "huh?", "Ano po?", "Bakit?" Hmm.. Akala ko, inaasar ako eh. Porke itlog kasi mataba, bilugan. Ano pa?! Hmp! Tapos sabay sabi ni kuya, "Itlog kasi parang bagong talop, ang kinis, ang puti." Huwaaaaaaw!!!! Super flattered! Yeeeeee! *blushes* Tunay ba itey? Haha. Wala lang, hindi naman kasi ako nagagandahan sa paa ko tapos babanatan nila ako ng ganoon? Haha. :) Natutuwa lang ako na natatawa. Sus! Napansin lang nila ang bagong nail polish kong paa eh. Hihi. :D

Friday, February 24, 2012

HAHAHAHAHA, K.

   Napaisip lang kasi ako, paano kaya kung may nakakabasa "pala" ng blog ko noh? (Assuming!) Haha. Well, regardless of that assuming-thing, just "what if?" If that so, seriously, nakakahiya! I mean, sooobra! Haha. Puro ka-baliwan lang naman ang nilalagay ko dito eh. Tapos minsan, pag binabasa ko ulit yung iba kong post, wrong grammar or wrong spelling pa. *laughs* Pero asa naman ako na mayroong nakakabasa diba? Its just a matter of what ifs lang naman eh.. Get it?? *Grin* Besides, kapag naman nagpo-post ako dito, at that very moment, yung exact feeling with no preparations and hesitations lang naman ang ginagawa ko eh. Like, what comes out of my mind and stuff then boom, that's all folks. Kaya nga e-journal ko diba? Haha. I write seriously not. Haha. Let-it-be habit. Hoho. So, for any (fictional) reader, gawin bang entertainment section ang blog ko? Hahaha. No, peace! Mabait naman ako. I'm not playing safe. This is just who I really am. *winks*

P.S. Boom clap, boom de clap de clap. =D

Friday, February 17, 2012

ERR!

  I've almost forgotten to post here! Oh My. Seriously, I am really-really busy! Ang dami naming quizzes and homeworks plus journal plus dance performance (Godd! I don't dance) plus upcoming final exams. Ugh! It sucks. I even got busier for some papers or requirements for my so-called "Trip-trip summer job" daw with some of my friends. Haha. Actually, ayaw ng mom ko 'yon. I just insist to do so. Ang boring kasi sa bahay eh and I want money of course! Sitting all day long won't bring me money so then, I'll make it. *laughs* Details later okay? Hope you understand, I need to nurture and treasure every second of every minute. Hooh! Hassle!

Wednesday, February 8, 2012

Heroine ♥

I lie awake until silence lets me sleep...
I dreamed of oneself walking on the creep
Seemed so lost can do nothing but to seek
I saw nothing and only darkness covered me
Frightened and stunned, that were all I can be.

A ray of light made me hold on 
Notion arose that it might be you
No doubt, no fright neither conflict
If failure it'd be, would not I grief

I ran towards it and got to the end
Yes, it was you! And this was not pretend
You eased the hurt like a magic embraces
Darkness to me was no more but meaningless.

You built to me the bridges of hope
Redeemed everything and made it such a rose
With its passion, beauty and even thorns
Loving with all of me, not caring no returns.

You broke out all the barriers and walls
Not afraid that you could be hurt at all
Herione of mine took me out of the dark
So let me stay, let love be forever-marked.


   June 12, 2010. 5:55 pm (Angels' time), I wrote that poem entitled "Heroine". So, Heroine? Yep its a girl. I wrote it for a very special person in my life during the midtimes I was totally down and she was there, my ever dearest bestfriend, jessa. Just found a piece of paper on my stuffs and saw the draft of the poem I wrote when I was still 14 years old. Cool! Haha. Pero kahit naman noong bata ako, I am fond of writing poetry na eh. I just don't know if I still have that super powers as of now. Haha. I just wanna keep that poem. I hope I could find the sonnet I wrote when I was still in junior high. Napili kasi 'yon ng teacher ko to be exhibited on our school. Hindi lang dahil sa content pero with the design itself, they were amazed. Hoho! Yabang. No, I'm not. Actually ngayon? I am rot. I just don't have time to make poems and stuff kasi busy lagi eh. May journal pa kami. Magsisipag na nga ako this second half of second semester. A total couch potato I was then. *sigh* Mag-aaral pa ako eh. May quiz kasi kami tomorrow. 
    Anyways, foundation anniversary of PUP was a bam! Oyea! Popping bottles everyday! Wala kasing klase eh. *laughs* But the events were enormous. Niyanig ako ng mga PUPians! Haha. That was a quite bummer. (Irony indeed) *LOL* Hanggang ngayon nga, may aftershocks pa rin ako ng foundation weeks eh but I got to keep moving forward. *winks* Uhm, speaking of aftershocks, poor Visayas. Grabe! Nakakaawa,  nakakakilabot, nakakatakot. Hindi lang puro bagyo ang nagulo ngayon sa Pinas kung hindi pati lindol na. Natural calamities awaken 'cause of too much abuse of our resources. Could it be?? Ouch. I wish I could help. Poor citizens. Its more fun in the Philippines nga ba talaga? 2012 apocalypse, don't you dare be for real.

Saturday, January 28, 2012

YAAAWN!

   Minsan naiisip ko, what's the sense of being a blogger in Tumblr if you are just reblogging and nonstop CTRL+C and CTRL+V on your notes? Those are not your own thoughts. Those are from others'. Puro designs, echa-bureche lang. Unlike here, my blog is purely and originally came out from my own malfunctioning brain. *rolleyes*  As we follow trends, our brains shrink. Could that be?

Saka btw, this blog is only my e-journal. As much as possible, I don't want anybody to read this. Kaya I settled here nalang. Haha. As far as I can see, I'll get to use Tumblr sooner or later. Just not now that I ain't got no lovely reasons to make one. =D


In addition, I have read an article regarding to this issue.
http://tabasaur.blogspot.com/2009/08/in-defense-of-all-blogspot-users-and.html

Friday, January 27, 2012

Freeeeedom!

   Oh come on! Naalala ko lang yung sinabi ni Ritchell, my former classmate in High School. According to her kasi, she wants to be like us. Sobrang "Malaya" daw kasi kami dito sa PUP. Can go anywhere, can get out of that *toot* school anytime. Haha. Just so she knows, mahirap din kaya. Yan nga, sa sobrang malaya, hindi ko na alam ang patutunguhan ko. *LOL* Pero hindi rin naman kami yung tipong walang-walang ginagawa. Most of the time, we're halfway busy. Haha. Kapag kasi busy kami, busy talaga as in, sunod-sunod ang exams, homeworks plus thesis. Oh fvck! Pero sa time naman na walang ginagawa, aba'y heto't walang-wala nga. *LOL* Foundation Anniversary ng PUP ngayong week, actually weeks kasi 2 weeks 'yon eh. Its bongga naman I can say, wag mo lang isama yung ball games. No offense! Hihi. 'Di ko lang talaga 'yon feel. Ano ba itech? Intrams? Haha. Pero pertaining naman sa presentations and contests, Havey na Havey! What's so cool pa, Gov. Vilma Santos-Recto went here in PUP! Kanina lang. She was the guest speaker of what they so-called "Convocation" daw? Sounds new to me. Haha. Never had attended one kasi eh. Well. actually I have seen Ate V. for so many times. The last one was last year when our section was exclusively chosen for welcoming the Papal Nuncio. Gov. Vilma was there. Nahawakan pa nga sya ng isa kong classmate at mala-cotton pa daw ang palm ni Gov! Haha. Kanina, 'di ko naman masyado maaninag ang Star for all season nyo. Blurry-eyes kasi ang mayroon ako. *LOL* Napansin ko lang, ang liksi nitong si Gov. Parang kiti-kiti? Ang energetic ba? I know, you're laughing. Haha. Hmm, I guess that's just small people are. Maliksi. =) Madami pang happenings sa buhay ko ngayon eh. Hoho. Just like that stupid field research. It somewhat gone me insane. And Gosh, I think mananaba ako lalo. *mourns* Ito kasing si bestfriend ko, lagi nalang naka'Mang Inasal. Unlimited rice, unlimited coke. Uhm. Sa kanya, okay lang! Payat sya eh! Eh paano naman ako? Every money counts, kailangan sulitin! hmm? So, ang nangyari, hindi na ako nakaen ng dinner, merienda or anything after that Mang Inasal encounter. Hmp. Ayos din naman kanina, may free 5 tokens pa sa WOF. Nakalaro pa tuloy kami. Hihi. At may free din na Kangkong Salad. (Ewan ko ba kung free 'yon? O saang panig ng Mang Inasal at nai-serve nila 'yon samin? *giggles*) Musta naman yon? Haha. Hindi pa naman ako nakaen ng gulay. *winks* Ano pa bang bago sa'kin? Haha. You can kindly and freely check out as well as follow my twitter account @itsmeIdynell, naka-post kasi lahat doon ng naiisip ko at the very moment I'm logged in. =D Wala lang. Baka sakaling interested ka. Pero alam kong hindi naman kaya, OKAAAAAAAAY!!!!! *laughs*

Sunday, January 22, 2012

Dirty-headed.

HINDI LAHAT NG PINOPOST KO PARA SAKIN.
Minsan, random thoughts lang 'to.
(Hindi rin. Haha)

What's the meaning of this?

"Minsan talaga, Sa isang relationship mas makakabuti kung hindi kayo laging magkasama. Kasi yung moment naman na magkita kayo marami kayong maikikwento sa isa’t isa. marami kayong mapag-uusapan about sa nangyari sa araw ninyong dalawa nung hindi kayo magkasama. Mas nadedevelop ang communication. kesa naman dun sa lagi kayong magkasama pero medyo bawas naman ang pag-uusap ninyo. Eh syempre. nakikita na ninyong dalawa ang nangyari kaya wala narin masasabi o maishishare na kwento. nawawala yung feeling na excited kang magkwento sa kanya."
(Source: umaasaparin)

Relate. Relate. I knew it. Mindfuck!

Saturday, January 21, 2012

You and I'll be..

   Hooray! Haha. Guess what?? Tinatamad ako mag-post ng entry dito kaya medyo nakakaligdaan ko na magkwento sa blog ko. Hihi. (Hindi na naman matagal na issue yon diba?) Midterms are finally over! At kahit kailan, isang hell talaga ang mga gabi ng pag-aaral. Ika nga nila eh, eyebrows-burning ang tema. Haha. So, btw, kaya medyo nagiging busy-bee ako kasi dahil dito.. That's the vid of my somewhat mission to be accomplished. *giggles*

   Sakit na nga ng fingers ko dyan. *laughs* Inumpisahan ko lang yan aralin noong Wednesday. Nagkataon pang midterms kaya hindi ko matapos-tapos. And I still have some pending movies to watch. Gotta keep working on our field research pa. Disastrous! Saka nga pala, isa talagang malaking-catastrophe ang maging prof si Honorato Misfortunato. *LOL*  I hate him! He's such a big jerky-FEELINGERO. Haha. I know, bad ako. *chuckles* Hmm, Ciao for now. Hihi. Just posted to preserve some memories of today on which I became a somewhat girl on cloud nine! Hoho. Ang saya ko talaga ngayon. *winks* 

Friday, January 13, 2012

KALABASAAAA!

   Kailangan ko na kumain ng maraming-maraming kalabasa, yung tipong kulang nalang isuka ko. Haha! Pero sa totoo lang, hindi naman talaga ako mahilig sa gulay eh. Baka potatoes pwede pa! (Mcdo Fries!) *laughs* Haaays. Ang hirap kasi eh. Hirap na hirap na ko! Hindi ko na kayaaaaaaaa! Oo, ang hirap ng malabo ang mata! *sigh* Feeling ko eh, nalilinlang ako ng mundo dahil sa hindi ko makita ng masinsinan ang mga bagay-bagay sa planetang ito eh. Ay! ang OA ko. Haha. Pero seriously, ang hirap talaga. I used to wear my eyeglasses when I was still high school pero simula noong nag-college ako, hindi ko na ginagamit yon eh. Ewan ko ba. Kind of awkward sa feeling kasi. Haha. Saka I think, tumaas na ulit ang grado ng mata ko. Sabi kasi ng ophthalmologist  ko dati, 180 na yung grado ng eyes ko. Musta naman yon? Sort of near to blindness na ba? Over-reacting! Haha. Eh ngayon kaya noh? Di pa kasi ako nakakapag-pa-check up eh. Wala akong time. *LOL* Saka plano ko, mag-lenses na. Ayoko kasi ng eyeglasses. Napapansin ko lang kasi as of this very moment, medyo nagiging complicated na ang mga ordinary routines ko sa very sensitive na dahilan. Ang hirap nga manood ng TV sa malayo. Ang hirap din mag-computer ng hindi ko suot ang eyeglasses ko at mas lalong mahirap mangopya tuwing exams. Hahaha. Joke! *LOL* Ah basta, ayoko naman mabulag noh. Bakit kasi inborn ang pagiging malabo ng mata ko. Pesteng genes naman yan oh! (Courtesy of Jesmadevil.) *ROFLOL* Nakooo! Maswerte ka at hindi kita kagaya. Haha. Hmm, madalas din nafe-feel ko, sumasakit ang ulo at neck ko. Hindi kaya signs ng mas paglabo pa ng eyesight ko? Creepy! Tsss. Bahala na nga. Hehe. Papa-contact lenses nalang ako. (When? 10 years later? Haha.) Most likely, colorless para looking natural. Just like Jessa's.

Note from me, Minsan sa buhay, kailangan natin lumayo sa taong mahalaga sa'tin. Hindi dahil sa ayaw na natin sa kanila, kundi para lang malaman natin kung ano ba talaga ang ating halaga sa mga taong pinapahalagahan natin ng sobra. Malalaman lamang natin 'yon sa mga pagkakataon na wala tayo sa tabi nila. Ngayon naman, kung tuluyan tayong lalayo at hahayaan na lamang nila na mawala tayo sa kani-kanilang mga buhay, doon lamang nangangahulugan ang masakit na katotohanan na kahit noong umpisa pa lamang, hindi ka na nila pinapahalagahan. Yung 'tila mistulang echapwerang nilalang ka lamang. Ganon? (ang Bad ko, pero mas bad sya. Sa bagay, tanggap ko na. I just need some time to heal and to contemplate if I shall give them my full attention or better ignore them at all.)

Monday, January 9, 2012

Baby, don't you break my heart slow.

I like the way you want me
Every night for so long baby
I like the way you needed me
Every time things got rocky

I was believing in you
Was I mistaken do you mean
Do you mean what you say
When you say our love could last forever

But I'd rather you be mean than love and lie
I'd rather hear the truth and have to say goodbye
I'd rather take a blow at least then I would know
But baby don't you break my heart slow

I like the way you'd hold me
Every night for so long baby
I like the way you'd sing to me
Every time things got rocky

I was believing in you
Was I mistaken do you say
Do you say what you mean
When you say our love could last forever

Cause I'd rather you be mean than love and lie
I'd rather hear the truth and have to say goodbye
I'd rather take a blow at least then I would know
But baby don't you break my heart slow

You would run around and leave me on forever
While I stay at home still thinking we're together
I wanted our love to last forever

But I'd rather you be mean than love and lie
I'd rather hear the truth and have to say goodbye
I'd rather take a blow at least then I would know
But baby don't you break my heart slow
Baby don't you break my heart slow

   All this time, I am hurting for something that in the first place, has nothing to do with me. Kfine. *sigh* Pwede ba yon? Let's just say na, I have no rights to react like this.

Sunday, January 1, 2012

PUTUKAN NA!

   Its official! 2012 na! I am so thankful for 2011. It has been an amazing and extraordinary year. Last year kasi, the wish I've been praying for about 2 years has come true. Sobrang saya! Salamat sa mga taong naging part ng buhay ko. Sa lahat ng lungkot, saya, tawanan, dramahan, kalokohan at kung ano-ano pa. Last year for me is near to perfect.  So, sana 2012, be good to me! Good vibes, pasok! *laughs* Btw, how about the 2012 apocalypse? My highschool friends and I has been talking about it for a million times, I guess. haha. Just wanna talk less. Basta ba mabuhay lang tayo ng masaya at puno ng pagmamahal eh, then its fine to die na. Diba? Haha. Just live everyday as if we're dying tomorrow, its never a crime. I love my life. Especially, yours in mine. :*