Kailangan ko na kumain ng maraming-maraming kalabasa, yung tipong kulang nalang isuka ko. Haha! Pero sa totoo lang, hindi naman talaga ako mahilig sa gulay eh. Baka potatoes pwede pa! (Mcdo Fries!) *laughs* Haaays. Ang hirap kasi eh. Hirap na hirap na ko! Hindi ko na kayaaaaaaaa! Oo, ang hirap ng malabo ang mata! *sigh* Feeling ko eh, nalilinlang ako ng mundo dahil sa hindi ko makita ng masinsinan ang mga bagay-bagay sa planetang ito eh. Ay! ang OA ko. Haha. Pero seriously, ang hirap talaga. I used to wear my eyeglasses when I was still high school pero simula noong nag-college ako, hindi ko na ginagamit yon eh. Ewan ko ba. Kind of awkward sa feeling kasi. Haha. Saka I think, tumaas na ulit ang grado ng mata ko. Sabi kasi ng ophthalmologist ko dati, 180 na yung grado ng eyes ko. Musta naman yon? Sort of near to blindness na ba? Over-reacting! Haha. Eh ngayon kaya noh? Di pa kasi ako nakakapag-pa-check up eh. Wala akong time. *LOL* Saka plano ko, mag-lenses na. Ayoko kasi ng eyeglasses. Napapansin ko lang kasi as of this very moment, medyo nagiging complicated na ang mga ordinary routines ko sa very sensitive na dahilan. Ang hirap nga manood ng TV sa malayo. Ang hirap din mag-computer ng hindi ko suot ang eyeglasses ko at mas lalong mahirap mangopya tuwing exams. Hahaha. Joke! *LOL* Ah basta, ayoko naman mabulag noh. Bakit kasi inborn ang pagiging malabo ng mata ko. Pesteng genes naman yan oh! (Courtesy of Jesmadevil.) *ROFLOL* Nakooo! Maswerte ka at hindi kita kagaya. Haha. Hmm, madalas din nafe-feel ko, sumasakit ang ulo at neck ko. Hindi kaya signs ng mas paglabo pa ng eyesight ko? Creepy! Tsss. Bahala na nga. Hehe. Papa-contact lenses nalang ako. (When? 10 years later? Haha.) Most likely, colorless para looking natural. Just like Jessa's.
Note from me, Minsan sa buhay, kailangan natin lumayo sa taong mahalaga sa'tin. Hindi dahil sa ayaw na natin sa kanila, kundi para lang malaman natin kung ano ba talaga ang ating halaga sa mga taong pinapahalagahan natin ng sobra. Malalaman lamang natin 'yon sa mga pagkakataon na wala tayo sa tabi nila. Ngayon naman, kung tuluyan tayong lalayo at hahayaan na lamang nila na mawala tayo sa kani-kanilang mga buhay, doon lamang nangangahulugan ang masakit na katotohanan na kahit noong umpisa pa lamang, hindi ka na nila pinapahalagahan. Yung 'tila mistulang echapwerang nilalang ka lamang. Ganon? (ang Bad ko, pero mas bad sya. Sa bagay, tanggap ko na. I just need some time to heal and to contemplate if I shall give them my full attention or better ignore them at all.)
No comments:
Post a Comment