Tuesday, November 1, 2011

SEMBREAK + GALA = KAHIRAPAN

  Binukod ko talaga ang post ng mga barkada get-aways ko para maka-move on na ko doon sa gruesome experience ko kanina! *laughs* Remember yung last-last post ko? Ang sabi ko doon, hindi ako pinayagan ng mother ko na sumama sa sleep over sa bahay nila Grace diba? Nag-try ulit ako magpaalam kinabukasan, through text inamo ko ang mom ko *LOL* I guess super convincing noon kaya napapayag ko sya. Sobrang "Yehey" talaga ako noong pumayag si Mother-Dear! haha Pero hindi rin naging madali ha? Since nasa work sya noon, kinailangan muna namin syang daanan to be sure na may kasama ako pag-alis. Nagpasama pa tuloy ako kina Karol at Jessa pagpapaalam kay Mother. Then, sakay kami ng Bus on the way to Alaminos, Laguna. Noong nasa bahay na kami nina Grace, Hayun nga, ang bait pa rin ng mommy ni Grace, sobrang maasikaso at ang sarap pa rin magluto. hihi :) As usual, "sleep over" na wala namang "sleep" ang naganap. *giggles* Sobrang saya pa rin. Mga classmate ko kasi sa San Pedro National High School ang mga kasama ko doon eh. Wala pa rin silang kupas. Mga baliw-baliwan lang at matatakaw pa rin! *ROFL* 
(Jelyn, Iryn, Carolle, Ako, Melvin)
Uhh, Hindi pa dyan natatapos ang gala ko with friends, Yesterday lang, pumunta kami sa bahay nina Carolle. Masyado ata kaming namimiss at nag-aya ng bonding. haha Ang tagal na nga naming plano yon, noong Summer pa! Grabe lang noh? *laughs* Kaya lang naman hindi matuloy-tuloy kasi mga Busy-busyhan sa college life ang tema ng mga baliw na yon eh. Finally! Heto na nga at natupad na rin sa Wakas! *smiles* Ang KJ nga lang ni Enrique. Pupunta raw syang Ibaan, Batangas sa puntod ng Lolo nya eh kaya daw hindi sya makakasama. Kainis yon! Sya pa naman ang kwela sa grupo eh, wrong-timing naman. Unexpectedly, si Iryn ang pumalit kay Enrique, ang super cute at talented kong Tropa! *laughs* "Tropa" Tawagan namin eh. So far, doing great namin sila. 5 lang kami (Ako, Carolle, Jelyn, Melvin, Iryn) pero parang sampu kami sa ingay namin. *LOL* Sobrang bait talaga ng Mama ni Carolle, ang dami nyang niluto for us, lunch meal, meriendas. Bukod pa yung binili naming 6 cantons, 2 tasty breads, 2 juices at 5 chichiryas! haha. Hindi nga namin naubos yon lahat, My God! May spaghetti pa ngang niluto si mama ni Carolle. Kaya iniwan nalang namin sa kanila yung 6 cantons at isa pang natira na tasty bread. As always, foodtrip, Asaran at Picture-takings (Mama ni Carolle ang photographer) ang trip namin doon. *laughs* Nakakahingal nga yung Jumpshots eh! *chuckles* Gaya ng dati, mga luka pa rin sila, masasalaw pero super saya namang kasama.. Nakakamiss tuloy sila. Sana maulit :)
Kahit sampayan pinag-tripan eh! Haha.
Musta naman ang Jumpshot na 'to?
Galing namin noh? *laughs*

No comments:

Post a Comment