Saturday, November 19, 2011

BITTERSWEET!

   Good evening! Yey! what do you notice? Ang Sipag ko mag-post ngayon noh? *laughs* actually kakatapos ko lang gumawa ng journal kani-kanina lang and honestly, ayoko talaga ng free-handwriting. Oo, ako na nga ang tamad! Ayoko lang kasi ng sulat ko. Badtrip! Kakatawa noh? haha. Uhm, as of now, nanonood ako ng MMK. (Sana sa journal ko nalang nai-kwento ito noh? May grade pa sana ako. Pero wala eh, mas pinili kita! *LOL*) Naiiyak ako sa story. Noong una, natatawa lang ako pero noong nagtagal, sobra na akong nata-touch sa story. Ages don't matter nga naman. Hindi nga naman natanda ang puso at kahit ano pa ang edad mo, sumulpot man lahat ng wrinkles mo, mamuti man lahat ng buhok mo, hindi ka pa rin mawawalan ng karapatang umibig at lumigaya. Soo true. Despite of their bitter past, there they are, working it out together knowing they are free to love each other again. Its never too late, there's no such thing as too late. Dahil hangga't nabubuhay tayo, marami pa tayong magagawa. Kaya pa nating mabago ang ating kapalaran at kaya pa nating itama ang kamalian ng nakaraan. So tragic nga lang ng MMK, na-deads kasi si lola eh. Pero at least diba? even in her last breath, she did feel happy, she followed her heart
   Anyway, kanina sa kitchen namin, parang tila may flashback na naganap sa isipan ko. Yun ay noong napatulala ako sa ceiling at napatitig sa ilaw, bigla kong naalala ang Tatay ko.. *sigh* Naaalala ko yung moments na buo ang family namin, masaya at walang problema. Kung saan masaya kaming kumakaen, nagtatawanan at nagkukulitan. Nalulungkot talaga ako tuwing nararamdaman ko na malapit na naman ang Pasko, pero wala pa rin sya. Nasanay na akong wala sya at lagi ko nalang nasasagot sa sarili kong katanungan na kung "Namimiss ko ba sya?" laging HINDI ang sinasabi ko. Ang huling pagkakataon ata na buo ang family ko during Christmas eh noong grade 3 pa lang ako for he went abroad when I was turning grade 4. Ang lungkot lang talaga. *sigh* Knowing na hindi na sya babalik sa amin, na kahit kailan hindi na magiging masaya at mabubuo ang family namin. Bakit kasi umalis pa sya? Broken-family? SHOOT! :'(

No comments:

Post a Comment