Wednesday, November 30, 2011

EYY!

   May sasabihin lang ako kaya ako nag-post. :) I made a new blog! Hooray! Pero yung blog na yon, exclusive lang para sa taong inaalayan ko ng mga mensahe na nakapaloob sa bago kong blog. So, kung sa tingin mo hindi ikaw yon, hindi ka makaka-receive ng invitation galing sa akin na ipinadala ko sa yahoo account mo. *laughs* Nang-aasar lang ako eh noh? hehe. I just finished posting my first entry there and also done picking some designs for it. I decided to be formal in my writings also. Hope it will be okay. Just that.. Goodnight!

Tuesday, November 29, 2011

BELATED HAPPY BORNDAY TO ME! :">

   Birthday ko nga pala last 27 noh? *LOL* Wala naman akong masasabi sa birthday ko. haha. Basta para sa akin, masaya ako dahil tumanda nadagdagan na naman ng panibagong taon ang buhay ko at nakarating ako sa ganitong edad ng masaya at walang problema. hihi. Noong araw ng birthday ko, tila hindi masyado nakiki-ayon ang pagkakataon sa akin. *Eks-Di* Pero yung mga experiences na yon ang nagpa-memorable sa birthday ko this year. Some things went bad first then it was redeemed and *poop!* I became happy again. haha. As of now, tinatamad talaga akong mag-kwento, sobrang stressed kasi ako eh. Hindi ko ba alam kung bakit *LOL* But I assure that I can spare my most precious time telling my stories here. Siguro kaya medyo tinatamad ako dahil gawa na rin ng mga school works such as homeworks, recitations at quizzes. Tapos kulang pa ako sa tulog. Well, as I was saying, Noon ngang birthday ko, okay.. its cool. I received some gifts tapos yung request ko kay Daddy dear, this weekends pa maga-grant I think hihi. And btw, I really love the Twilight Saga, "Breaking Dawn Part I". Its kind of turned into horror at the last part kasi naman si Bella eh, kinakain na ng sarili nyang anak. *laughs* Well.. well.. I really love the story, so as the movie. Next to Harry Potter (But I bet J.K. Rowling is really much better than Stephenie Meyer. hihi) just that, so excited for its 2nd part. Can't wait 'til its next year. *LOL* 
   Check out this song, even though I knew it for so long, I'm still mesmerized by it. haha. Its title is "It will Rain" by Bruno Mars. Yohoo! Its Bruno again! haha. Nakaka-inlove kasi yung song. Lalo na noong narinig ko sya sa movie na Breaking Dawn, mas nagka-impact pa. Gosh! So addicted to Twilight Saga na naman. :)


PS. My Birthday went good, so far. Funny yet exciting. *giggles*

Saturday, November 19, 2011

BITTERSWEET!

   Good evening! Yey! what do you notice? Ang Sipag ko mag-post ngayon noh? *laughs* actually kakatapos ko lang gumawa ng journal kani-kanina lang and honestly, ayoko talaga ng free-handwriting. Oo, ako na nga ang tamad! Ayoko lang kasi ng sulat ko. Badtrip! Kakatawa noh? haha. Uhm, as of now, nanonood ako ng MMK. (Sana sa journal ko nalang nai-kwento ito noh? May grade pa sana ako. Pero wala eh, mas pinili kita! *LOL*) Naiiyak ako sa story. Noong una, natatawa lang ako pero noong nagtagal, sobra na akong nata-touch sa story. Ages don't matter nga naman. Hindi nga naman natanda ang puso at kahit ano pa ang edad mo, sumulpot man lahat ng wrinkles mo, mamuti man lahat ng buhok mo, hindi ka pa rin mawawalan ng karapatang umibig at lumigaya. Soo true. Despite of their bitter past, there they are, working it out together knowing they are free to love each other again. Its never too late, there's no such thing as too late. Dahil hangga't nabubuhay tayo, marami pa tayong magagawa. Kaya pa nating mabago ang ating kapalaran at kaya pa nating itama ang kamalian ng nakaraan. So tragic nga lang ng MMK, na-deads kasi si lola eh. Pero at least diba? even in her last breath, she did feel happy, she followed her heart
   Anyway, kanina sa kitchen namin, parang tila may flashback na naganap sa isipan ko. Yun ay noong napatulala ako sa ceiling at napatitig sa ilaw, bigla kong naalala ang Tatay ko.. *sigh* Naaalala ko yung moments na buo ang family namin, masaya at walang problema. Kung saan masaya kaming kumakaen, nagtatawanan at nagkukulitan. Nalulungkot talaga ako tuwing nararamdaman ko na malapit na naman ang Pasko, pero wala pa rin sya. Nasanay na akong wala sya at lagi ko nalang nasasagot sa sarili kong katanungan na kung "Namimiss ko ba sya?" laging HINDI ang sinasabi ko. Ang huling pagkakataon ata na buo ang family ko during Christmas eh noong grade 3 pa lang ako for he went abroad when I was turning grade 4. Ang lungkot lang talaga. *sigh* Knowing na hindi na sya babalik sa amin, na kahit kailan hindi na magiging masaya at mabubuo ang family namin. Bakit kasi umalis pa sya? Broken-family? SHOOT! :'(

Friday, November 18, 2011

PORNBOOK!

    Malapit na talaga! malapit na maging PORN SITE ang FACEBOOK! Grabe naman kasi. Ang lalaswa ng mga pino-post ng ilang admin ng mga malalaswang fan pages sa FB. Hindi lang basta pornographics ang makikita mo doon, pati viruses laganap na! Grabe talaga! Too much abuse ang nangyayari sa social network knowing they can post whatever they like so. Its disgusting! Uhh, grossy-heads! Hindi ba nila naisip na marami ang users ng Facebook? Children, elders.. whatsoever. Baka kung ano-ano pa ang makita ng mga bata doon eh. Hmm.. It is proven that these pornos rooted here in Philippines. Soo humiliating, if people behind won't stop, Philippines might be Banned using facebook. 
   Uhh, change topic, Sa oras na ginagawa ko ito, nanonood ako ng 100 days to heaven, the finale episode. Nakakaiyak. So inspirational. Sana tunay na may ganoon noh? Second chance with a 100-day-borrowed-life. I'll miss the casts. *laughs* Anyways, raging-examinations are approaching! Oh-Em! Hell week again! My brain is kinda malfunctioning and due to brain-destroying-thoughts intervention, I am afraid of its sudden expected explosion.

Sana hindi nalang lumaki 
si Harry noh? Ayun, natupad naman.. 
Hindi tumangkad eh! *LOL*
Alright, byee. So long nalang again. I'mma finish my started Potter movie, I'm on its 5th part. Near to end. Just a whole Movie sequel recap. I miss Hogwarts. *laughs*


and hey! My cough and cold are heavy! Pero walang tigil pa rin ako sa Buko Shake and some other very cold beverages. Sarap kasi eh! *LOL*



Sunday, November 13, 2011

BLOODY HELL!

   Gotta tell you something, sobrang busy na ulit kami sa school works. New semester really is a disaster. Darn! Just steal a moment to post here. Nami-miss ko na kasi kwentuhan ang blog ko. *sigh* Btw, I've got started working on my journal. Yess, you read it right, JOURNAL! Si Honorato kasi. Monster talaga yon noh? Naiinis pa naman ako for some kind of such writings using my free-hand. I really hope I can post all the contents of my journal for you. Sana lang, hindi masapawan ang time ko sa pagsulat ko dito sa blog dahil sa sobrang pagka-busy ko sa pagjo-journal. Uhh, I really wish there's someone out there who appreciates my writings (Kahit alam kong wala). Got to sleep! may quiz pa kami bukas eh. byee..

PS. I hate our schedule! errr!!

Sunday, November 6, 2011

UHM?

   Hey! Zup? haha. So bored lang kaya nakapag-post. Uhm, may I ask you Blogspot? kailangan ba may special someone ka para lang gumawa ng blog? I mean like boyfriends/girlfriends, crushes, idols, etc.? uhm Hindi naman kailangan diba? As for me kasi kung ganoon ang reason mo then you don't make a blog for yourself but for others. Right? ugh. Let's say nawala yung crush mo or whatsoever that may be, edi hindi kana magpo-post? Awkward! I just know someone who does it. I thought he is different. Hindi rin pala. Hala! wala lang. *laughs*
   And btw, I really feel so bored! Gosh! Ewan ko ba kasi. Sa school man kasi o sa bahay, puro unproductive things ang nagagawa ko (except doing the chores). Sa school kasi lagi namang walang profs eh. Nakakainip kaya maghintay sa wala! uggh. I dunno. Nothing's exciting by this time, for me. *sigh* Sa bahay, paulit-ulit ang routines ko, watching tv, eating, web surfing, downloading movies as well as watching them, listening to music and so forth. I need people! God! better pa rin siguro sa school dahil may nakakausap. I just hate that "waiting-for-nothing" stuff. Ayoko kasi ng na-iinip eh. Baka ma-murder ko na sila kung lagi ba nila akong pag-iintayin! *Devil Laugh*

PS. I got fond of Harry Potter movies again! *smiles*

PS. again, I don't need followers neither here on blogspot nor on twitter or kahit friends sa facebook para ma-enjoy ang buhay ko. I'm no Ms. Popularity. I don't need to be popular just to be happy and BTW, FYI, I hate BRAGS! err! 

Tuesday, November 1, 2011

SEMBREAK + GALA = KAHIRAPAN

  Binukod ko talaga ang post ng mga barkada get-aways ko para maka-move on na ko doon sa gruesome experience ko kanina! *laughs* Remember yung last-last post ko? Ang sabi ko doon, hindi ako pinayagan ng mother ko na sumama sa sleep over sa bahay nila Grace diba? Nag-try ulit ako magpaalam kinabukasan, through text inamo ko ang mom ko *LOL* I guess super convincing noon kaya napapayag ko sya. Sobrang "Yehey" talaga ako noong pumayag si Mother-Dear! haha Pero hindi rin naging madali ha? Since nasa work sya noon, kinailangan muna namin syang daanan to be sure na may kasama ako pag-alis. Nagpasama pa tuloy ako kina Karol at Jessa pagpapaalam kay Mother. Then, sakay kami ng Bus on the way to Alaminos, Laguna. Noong nasa bahay na kami nina Grace, Hayun nga, ang bait pa rin ng mommy ni Grace, sobrang maasikaso at ang sarap pa rin magluto. hihi :) As usual, "sleep over" na wala namang "sleep" ang naganap. *giggles* Sobrang saya pa rin. Mga classmate ko kasi sa San Pedro National High School ang mga kasama ko doon eh. Wala pa rin silang kupas. Mga baliw-baliwan lang at matatakaw pa rin! *ROFL* 
(Jelyn, Iryn, Carolle, Ako, Melvin)
Uhh, Hindi pa dyan natatapos ang gala ko with friends, Yesterday lang, pumunta kami sa bahay nina Carolle. Masyado ata kaming namimiss at nag-aya ng bonding. haha Ang tagal na nga naming plano yon, noong Summer pa! Grabe lang noh? *laughs* Kaya lang naman hindi matuloy-tuloy kasi mga Busy-busyhan sa college life ang tema ng mga baliw na yon eh. Finally! Heto na nga at natupad na rin sa Wakas! *smiles* Ang KJ nga lang ni Enrique. Pupunta raw syang Ibaan, Batangas sa puntod ng Lolo nya eh kaya daw hindi sya makakasama. Kainis yon! Sya pa naman ang kwela sa grupo eh, wrong-timing naman. Unexpectedly, si Iryn ang pumalit kay Enrique, ang super cute at talented kong Tropa! *laughs* "Tropa" Tawagan namin eh. So far, doing great namin sila. 5 lang kami (Ako, Carolle, Jelyn, Melvin, Iryn) pero parang sampu kami sa ingay namin. *LOL* Sobrang bait talaga ng Mama ni Carolle, ang dami nyang niluto for us, lunch meal, meriendas. Bukod pa yung binili naming 6 cantons, 2 tasty breads, 2 juices at 5 chichiryas! haha. Hindi nga namin naubos yon lahat, My God! May spaghetti pa ngang niluto si mama ni Carolle. Kaya iniwan nalang namin sa kanila yung 6 cantons at isa pang natira na tasty bread. As always, foodtrip, Asaran at Picture-takings (Mama ni Carolle ang photographer) ang trip namin doon. *laughs* Nakakahingal nga yung Jumpshots eh! *chuckles* Gaya ng dati, mga luka pa rin sila, masasalaw pero super saya namang kasama.. Nakakamiss tuloy sila. Sana maulit :)
Kahit sampayan pinag-tripan eh! Haha.
Musta naman ang Jumpshot na 'to?
Galing namin noh? *laughs*

HAPPY HALLOWEEN!

   This day seemed to be so horrifying to me. Know why? I had a very traumatic-disgusting-humiliating experience today! I eventually told myself not to discuss it anymore, something like just learn from it and never ever mind it again. Ayoko na talaga alalahanin yon, kapag kasi sumasagi yon sa isip ko, ayan na ang goose bumps tapos yung feeling na gusto mo sampalin ang sarili mo para wag na isipin yon. Brrrrr! Ang immature ko talaga. Nakakahiya! ughh. Well.. I'll get over it. Lessons learned. *sigh*