Sa mga oras na ito, maraming mga bagay-bagay at mga katanungan na sumasagi sa isip ko ngunit hindi ko mabatid kung bakit ba parang lumilikot na naman ang imahinasyon ko sa kung ano ba ang kahulugan ng mga bagay na yon. Hindi ko maipaliwanag at mailarawan sa pamamagitan lamang ng pagsusulat. Hindi naman ako ganito eh, siguro masyado nalang talaga akong nabilanggo sa mala-impyernong buhay ng Kolehiyo kaya sari-sari na ang naiisip ko at masyado ng lumalawak ang pagka-masiyasat ko patungkol sa mga bagay-bagay dito sa mundo.
Noong mga nakaraang araw binibiro ko sya, “Uy! magkwento ka naman tungkol sa love affair mo with your first love!” Actually wala naman iyon sakin eh. I really am not affected nor jealous. Ang nakapanglambot lang talaga siguro sa akin ay yung sa bawat kwento nya (pertaining about the things happened 3yrs ago) ay sobrang nakaka?? Ewan ko ba. Hindi ko madescribe kung ano bang adjective ang dapat kong gamitin sa feeling na yon. Nagkekwento sya, masaya at sa bawat salitang sinasambit nya tila parang sobrang mahal nya yung taong tinutukoy nya at umikot lamang ang buong mundo nya ng mga panahong iyon sa taong sinasabi nya. Noong mga pagkakataon na nagaganap ang mga pangyayaring iyon, inaamin ko na wala namang koneksyon ang bawat isa amin noon. Yun nga lang 3yrs ago, sa kanya umikot ang mundo ko na yun pala kabaligtaran sa kanya. Habang masyado akong apektado sa mga gusot na nangyayari sa aming dalawa, andoon naman sya at tinatanaw ang iba. Ngayon ko lang nalaman na balewala pala ako noon kaya ganun sya? Ayoko ng mag-isip ng kung ano pa man dahil tapos na naman ang nakaraan at alam ko sa sarili ko na sobrang sakit at pasakit lamang ang naramdaman ko noon. Wala naman akong ibang gustong palabasin sa mga sinasabi ko, basta ang mahalaga masaya kaming dalawa ngayon.
Exclusive part naman sa mga nauna kong sinabi ay ito. Mayroon lang kasing biglang pumasok sa isip ko eh.. I’ll share it to be sure kung ayun nga iyon. Is it really true that when someone (age like mine) is committed to anybody, there’s a possibility to skip a part of his/her life? Like Teenage years? Kasi para sa akin being committed, uhm it’s somewhat like imprisoned with someone you love instead of just roaming around with friends. Tama naman diba? I’m not telling that it does happen to me, kasi iba naman yung commitment ko sa special someone ko unlike intimate relationship of others with their loved ones. I’ve just said this for I’ve seen people and friends na parang ang horizons nila ay nale-lessen or nagiging smaller kasi nga they stick to only one person. Okay, masaya ang single kasi independent at maraming time sa mas maraming bagay but, a very big BUT, mas masarap ang may commitment kasi we learn how to be matured in a way that we take responsibility within ourselves and others. At the same time, self-initiative to know our limitations over everything around us.
No comments:
Post a Comment