Ang tagal na sa may harapan namin ang peryahan pero kanina ko lang nabisita noong naisipan ko sumakay ng ferris wheel kasama ang pinsan ko. Hindi ko namamalayan palapit na pala ng palapit ang pyesta. Sobrang intense ng ride ko kanina sa ferris wheel ha? I felt like my heart was trembling and my tummy was being tickled, sobrang bilis kasi ng takbo ng wheel! hehe Noong una takot na takot ako kasi sobrang taas namin at natatakot ako mahulog kasi may fear of heights ata ako? *giggles* and as far as I know, 2nd time ko pa lang yon sumakay sa ferris wheel in my entire life, duwag kasi ako eh! pero infairness noong nagtagal nag-enjoy talaga ako ha? as in nire-request ko pa nga na bilisan nila ang pagpapa-takbo *laughs* Naka-dalawang sakay pa nga kami eh. Ito pang pinsan ko natatawa sa akin, wala daw kasi akong ka-thrill-thrill kasama, imbis daw kasi na umirit ako, tumatawa pa ako :D Paano naman kasi nakaka-kiliti sa tiyan pag pababa na yung wheel! Intense talaga noon! Pero wala ng mas-iintense pa sa midterm namin ngayong week! Hindi lang basta intense, paano ko ba ide-describe? ah basta mala-demonic lang ang masasabi ko sa sobrang hirap! Grabe yon, I know myself, I studied so hard. Pero bakit kaya itong mga prof namin, wala manlang kakonsi-konsiderasyon na dalian manlang ang midterm. Mga estudyante rin naman kami na nagkakamali at kulang ang kaalaman. Ang tindi, ang hirap pala ng college. Ngayon lang ako tila parang nangamote sa exam. Hindi dahil sa hindi ako nag-aral, kundi sadyang sobrang hirap lang talaga. Kung hindi man kapos sa oras, ang hirap naman ng mga tanong. Hindi ko ba maintindihan sa mga prof na 'to kung bakit parang ayaw nila maka-puntos ang mga estudyante nila. Daig pa namin ang nakuha ng scholarship sa DOST eh! Sa pagkaka-alam ko ang exams ng estudyante ay dapat pinaka-marami sa easy, katamtaman sa moderate at kaunti lamang sa difficult. Pero hindi eh, sa PUP ata, lahat ng items ay extremely difficult! Kung maaari nga lamang magreklamo sa DepEd eh noh? *LOL* Buong week pagod ako at puyat kakaaral. May 2 midterms pa kaming natitira for next week. Biosci at Psycho, parehas science pero kung tutuusin mas considerate pa nga ang mga profs namin dito kasi madali sila magbigay ng exams. Hindi gaya ng ibang profs namin, wala na nga sa libro yung ine-exam, kapos pa ang alotted time sa pagsasagot. Lalo na yang si Sir Cabrera. Hayy grabe, ang subject nya atang Filipino ang pinakamahirap na exam na na-encounter ko sa buong buhay ko.. Puro enumeration at identification na mas marami pa ang wala sa libro tapos dates na halos hindi naman nya natalakay sa klase! hmpp.. Sabi nga ng mga classmate ko, masaya na sila kahit hindi mataas ang scores basta ang mahalaga ay makapasa *sigh*
No comments:
Post a Comment