Saturday, August 27, 2011

PROUD PUPian!

    Just a quick story about the Celebration of "Linggo ng Wika" held at PUP gymnasium. Yesterday was a massive day! It was the most awaited day of the month. Ito na yung moment ng pagpapakitang-gilas ng bawat isa. Dito na ipapakita ang pinagpaguran ng lahat ng departments sa kani-kanilang entries sa patimpalak na gaganapin. The sequence of event yesterday was first, Malikhaing kasuotan next, Sabayang pagbigkas then Madulang-pagsayaw. Honestly on my side, wala akong kinakampihan na kahit anong department o kurso kung sino ba ang magaling at kung sino ba ang mananalo (pero syempre konting will-thing rin naman na manalo ang BSentrep as part of them) Inumpisahan na ang malikhaing kasuotan at sadyang wala akong ibang masabi sa sobrang galing at creative ng bawat PUPians na nasa likod ng mga designs ng bawat kasuotan. Nakalikha sila ng obra mula sa basura! I was really impressed! Girls were really charming so as the boys who are all heartthrobs! Sinundan pa ng sabayang pagbigkas. During practice pa lang ng mga ka-course ko, I bet they are the best. Pero mukhang hindi ko na masabi yon noong napanood ko na ang ibang courses na magperform. Great voices, great gestures, great costumes and props! So impressive with the fire-blowing stuff plus the dove-throwing thing! haha ang gagaling. Everyone is excellent! Freshmen pa lang yang mga yan ha? and the last event was the Madulang pagsayaw with the so-magnificent concepts. Kind of drown with the "Bagong Pilipinas" song *laughs* yun ata kasi ang theme ng interpretative dance eh. I can't remember who are the winners of each event but all I know, BSEE is the overall winner. Despite of that, We BSEM (for all year level, BSentrep na kasi ang 1st year) got some awards naman kahit papaano, hindi nga lang overall winners. Well, I'm still happy and proud knowing all the performers were all my co-iskolar ng bayan, the PUPians! I really enjoyed watching the whole day event. I guess nakauwi ako mga 7pm na eh. This is the very first competition I witnessed here in PUP, patikim pa lamang ito and I'm expecting for more exciting events :) This is great! winner or not is my course, I still consider them winners for they also impressed me. Akala ko nga winners din sila pero sadly, hindi pala and hopefully next time victory for us. Lahat naman magagaling, yun nga lang mayroong dapat mangingibabaw among them. So much of this, basta all I can say, "All is Well"..  just like what one of the judges told us. Sabi pa nga nya gusto na daw nya mag-stay dito sa PUP eh :)
   Oh btw, stiff-neck struggle ako ngayon. Nahihirapan nga akong kumilos eh so, get well soon nalang sa akin! *LOL*

Wednesday, August 24, 2011

HAPPY FIESTA!!

    It's been a long and very tiring day because today is our Barrio Fiesta! I'm sleepy but still, I find way to share some adventures to this blog. Umaga pa lang, I helped a lil' bit on my mom to prepare some dishes for our visitors. Maaga rin naman akong nakaalis kasi may klase pa kami today, Psychology at NSTP (CWTS). All of a sudden, wala rin pala kaming NSTP at saka Psycholoy, so parang wala rin yung pagpasok namin today. In-allot na lang daw kasi yung time sa practice ng deparment for the upcoming competitions regarding Linggo ng Wika. For instance, Nanood muna kami ng praktis ng Sabayang Pagbigkas (na supposedly kasali ako) We were so amazed! ang galing talaga! even better than ECE course which we have watched earlier. Then, my best friend Jessa said na she was a lil' bit envy daw na sana daw pala nag-try pa sya sa audition para nakasali sya. Well, I just replied, ikaw kasi eh ang impatient mo. So much of that btw, Napaaga tuloy ang uwi ko together with some of my classmates along with my very special someone and very love ko (my bestfriend), Jessa! I texted some of my High school friends to come over in our house right after their classes, first I told them to go around 5pm to 5:30pm but since we got home earlier, I texted them again na pumunta na right away during that afternoon. Sadly, only few came (Jessa, Karol, Jenny and Mayla) Pero ayos lang naman. What's important is I enjoyed this day together with them. Masaya naman kami. Konting kwentuhan, kantahan at syempre kainan. Umuwi na agad sina Mayla at Jenny, baka daw kasi gabihin eh. Karol and Jessa stayed along.. mahaba-habang kwentuhan about Karol's life and konting bragging-thing about sa Kuya Harold nya na super galing sa arts but that was really true, noong pinakita nya yung mga artworks nung kuya nya, Jessa and I were really amazed! I mean God, ang galing nya gumawa ng portrait! uhm change topic, anyways, bago umuwi naisipan muna namin dumaan ng perya. Since hindi nila ako pinagbigyan na sumakay ng ferris wheel dahil takot sila, sa horror train nalang kami sumakay *LOLs* Noong una lang naman nakaka-kaba at noong nakailang ikot na, tinatawanan ko nalang yung ibang mga nananakot *giggles* May ibang scene kasi na nakaagaw ng attention naming tatlo at yun ay dahil sa isang couple sa unahan namin na nagki-kiss! grabe ha? perfect place ba? haha After that, umuwi na rin sila agad and planned an overnight bonding again wih our friends, sana matuloy. Most likely, next week kasi 4 days ang vacation (Saturday, Sunday, National heroes day and End of Ramadan) Right after they left, inaya pa ako ng cousin ko na sumakay ng ferris wheel. Sabi nya naman ililibre nya daw ako, so go na go pa rin ang lola nyo! *laughs*
   Okay, so sleepy and so tired! Goodnight..

Friday, August 19, 2011

WORRY-FREE?

   Just passing by to say hi and how am I? Midterms are finally over and I am definitely relieved for the said Midterms were like my joint aches which make me feel injured and weak. Gratefully, the somewhat labyrinthine studying of mine has gained something fruitful and worthy (thank goodness!) Examinations actually made me surprisingly happy. uhh I'm not in manner of bragging *LOL* but I actually got some score of 100 and passed all the unexpected subjects which I thought tortuous enough to bring me down. I'm still happy even though I didn't get a very high score just like what I used to be when I was in 4th year high school. College life is really difficult enough to bring me to the grado of UNO. However, quizzes and recitations are still eagerly-approaching so still, studying is a must. urgh!

Friday, August 12, 2011

FERRIS WHEEL!

     Ang tagal na sa may harapan namin ang peryahan pero kanina ko lang nabisita noong naisipan ko sumakay ng ferris wheel kasama ang pinsan ko. Hindi ko namamalayan palapit na pala ng palapit ang pyesta. Sobrang intense ng ride ko kanina sa ferris wheel ha? I felt like my heart was trembling and my tummy was being tickled, sobrang bilis kasi ng takbo ng wheel! hehe Noong una takot na takot ako kasi sobrang taas namin at natatakot ako mahulog kasi may fear of heights ata ako? *giggles* and as far as I know, 2nd time ko pa lang yon sumakay sa ferris wheel in my entire life, duwag kasi ako eh! pero infairness noong nagtagal nag-enjoy talaga ako ha? as in nire-request ko pa nga na bilisan nila ang pagpapa-takbo *laughs* Naka-dalawang sakay pa nga kami eh. Ito pang pinsan ko natatawa sa akin, wala daw kasi akong ka-thrill-thrill kasama, imbis daw kasi na umirit ako, tumatawa pa ako :D Paano naman kasi nakaka-kiliti sa tiyan pag pababa na yung wheel! Intense talaga noon! Pero wala ng mas-iintense pa sa midterm namin ngayong week! Hindi lang basta intense, paano ko ba ide-describe? ah basta mala-demonic lang ang masasabi ko sa sobrang hirap! Grabe yon, I know myself, I studied so hard. Pero bakit kaya itong mga prof namin, wala manlang kakonsi-konsiderasyon na dalian manlang ang midterm. Mga estudyante rin naman kami na nagkakamali at kulang ang kaalaman. Ang tindi, ang hirap pala ng college. Ngayon lang ako tila parang nangamote sa exam. Hindi dahil sa hindi ako nag-aral, kundi sadyang sobrang hirap lang talaga. Kung hindi man kapos sa oras, ang hirap naman ng mga tanong. Hindi ko ba maintindihan sa mga prof na 'to kung bakit parang ayaw nila maka-puntos ang mga estudyante nila. Daig pa namin ang nakuha ng scholarship sa DOST eh! Sa pagkaka-alam ko ang exams ng estudyante ay dapat pinaka-marami sa easy, katamtaman sa moderate at kaunti lamang sa difficult. Pero hindi eh, sa PUP ata, lahat ng items ay extremely difficult! Kung maaari nga lamang magreklamo sa DepEd eh noh? *LOL* Buong week pagod ako at puyat kakaaral. May 2 midterms pa kaming natitira for next week. Biosci at Psycho, parehas science pero kung tutuusin mas considerate pa nga ang mga profs namin dito kasi madali sila magbigay ng exams. Hindi gaya ng ibang profs namin, wala na nga sa libro yung ine-exam, kapos pa ang alotted time sa pagsasagot. Lalo na yang si Sir Cabrera. Hayy grabe, ang subject nya atang Filipino ang pinakamahirap na exam na na-encounter ko sa buong buhay ko.. Puro enumeration at identification na mas marami pa ang wala sa libro tapos dates na halos hindi naman nya natalakay sa klase! hmpp.. Sabi nga ng mga classmate ko, masaya na sila kahit hindi mataas ang scores basta ang mahalaga ay makapasa *sigh*

Friday, August 5, 2011

SPEECHLESS..

Sa mga oras na ito, maraming mga bagay-bagay at mga katanungan na sumasagi sa isip ko ngunit hindi ko mabatid kung bakit ba parang lumilikot na naman ang imahinasyon ko sa kung ano ba ang kahulugan ng mga bagay na yon. Hindi ko maipaliwanag at mailarawan sa pamamagitan lamang ng pagsusulat. Hindi naman ako ganito eh, siguro masyado nalang talaga akong nabilanggo sa mala-impyernong buhay ng Kolehiyo kaya sari-sari na ang naiisip ko at masyado ng lumalawak ang pagka-masiyasat ko patungkol sa mga bagay-bagay dito sa mundo.
Noong mga nakaraang araw binibiro ko sya, “Uy! magkwento ka naman tungkol sa love affair mo with your first love!” Actually wala naman iyon sakin eh. I really am not affected nor jealous. Ang nakapanglambot lang talaga siguro sa akin ay yung sa bawat kwento nya (pertaining about the things happened 3yrs ago) ay sobrang nakaka?? Ewan ko ba. Hindi ko madescribe kung ano bang adjective ang dapat kong gamitin sa feeling na yon. Nagkekwento sya, masaya at sa bawat salitang sinasambit nya tila parang sobrang mahal nya yung taong tinutukoy nya at umikot lamang ang buong mundo nya ng mga panahong iyon sa taong sinasabi nya. Noong mga pagkakataon na nagaganap ang mga pangyayaring iyon, inaamin ko na wala namang koneksyon ang bawat isa amin noon. Yun nga lang 3yrs ago, sa kanya umikot ang mundo ko na yun pala kabaligtaran sa kanya. Habang masyado akong apektado sa mga gusot na nangyayari sa aming dalawa, andoon naman sya at tinatanaw ang iba. Ngayon ko lang nalaman na balewala pala ako noon kaya ganun sya? Ayoko ng mag-isip ng kung ano pa man dahil tapos na naman ang nakaraan at alam ko sa sarili ko na sobrang sakit at pasakit lamang ang naramdaman ko noon. Wala naman akong ibang gustong palabasin sa mga sinasabi ko, basta ang mahalaga masaya kaming dalawa ngayon.
Exclusive part naman sa mga nauna kong sinabi ay ito. Mayroon lang kasing biglang pumasok sa isip ko eh.. I’ll share it to be sure kung ayun nga iyon. Is it really true that when someone (age like mine) is committed to anybody, there’s a possibility to skip a part of his/her life? Like Teenage years? Kasi para sa akin being committed, uhm it’s somewhat like imprisoned with someone you love instead of just roaming around with friends. Tama naman diba? I’m not telling that it does happen to me, kasi iba naman yung commitment ko sa special someone ko unlike intimate relationship of others with their loved ones. I’ve just said this for I’ve seen people and friends na parang ang horizons nila ay nale-lessen or nagiging smaller kasi nga they stick to only one person. Okay, masaya ang single kasi independent at maraming time sa mas maraming bagay but, a very big BUT, mas masarap ang may commitment kasi we learn how to be matured in a way that we take responsibility within ourselves and others. At the same time, self-initiative to know our limitations over everything around us.

POSTPONED CORNED BEEFING? ansaveeh? *laughs*

Kamusta naman ako ngayong Linggo? May nangyari bang worth-sharing sa blog na ito? Another arduous week has done and I’m very glad for the burden of my brain has come to peace. Would you believe na naaatim ng mga teachers namin na halos araw-araw kami bigyan ng quiz? Malapit na ata ma-drain ang utak ko ah. I’ve been always mentioning the “daily-quizzes” thing here in my blog. Tama? Actually akala ko noong una lang yon, pero hindi pala, totoo na pala na daily nga! *sigh* 5th of August today, 11:26pm na but I’m still awake and currently writing my story here on my bed with my laptop. Hindi pa ako inaantok eh, natulog kasi ako kanina right after I got home today. Mga 6pm ata ako umuwi then natulog na ako at almost 9pm na ako nagising kanina. Feeling ko pagod na pagod ako eh, galing kasi kami sa Tanauan ng bestfriend ko sa main office ng TBPY. Supposedly kanina, dapat pupunta kami ni Jessa sa bahay namin right after class because we crave for corned beef! *laughs* Oh yes corned beef! Haha ewan ko ba kung bakit naisipan namin kumain noon. Matagal na rin kasi kaming hindi nakakakain ng corned beef tapos, I demand pa for anything dish which has onions! Hehe Oh btw, yun nga pauwi na sana kami ng biglang hinabol kami ni Kuya Ryan! Akalain mo yun, tinataguan na nga namin sila kasi gusto namin umuwi ng maaga pero naabutan pa rin kami. Ayun nga, we attended bible study with our TBPY tatay, religious group nga kasi sila diba? Noong andoon kami, ang saya-saya naman namin with our Ate’s and Kuya’s. Bondings pagkatapos ng bible sharing. Ewan ko ba pero gusto ko na ulit ang TBPY. Naiinis lang talaga ako sa mga batikos patungkol sa kanila. Mala-bipolar disorder nga ata ang tingin ko sa org eh! Hehe Pabago-bago. Minsan ayaw, minsan gusto. Ayaw dahil sa mga puna sa kanila, gusto dahil si God ang foundation ng org nila.
I have to sleep na. I’ll just post this entry tomorrow morning. Goodnight :)